Followers

Friday, April 24, 2015

BlurRed: Bread Winner

"Sarap palang magbakasyon dito sa Aklan, no?" wika ni Jeoffrey habang nakatanaw kami sa pantalan, na unti-unting lumiliit sa aming paningin.

"Oo nga, e. Parang ayaw ko na ngang umuwi." dagdag ko pa. Naalala ko tuloy ang ilang araw na kami ay magkasama ni Dindee. Malamang matatagalan bago pa kami muling magkita. "Anong sabi mo ulit?" Hindi ko talaga narinig ang sagot niya.

"Sabi ko, mag-iipon ako para makabalik ako!" pasigaw pa niyang sinabi.

Natawa ako. "Aba! Talagang pag-iipunan mo ah. Dapat ang pag-aaral mo ang pag-ipunan mo."

Natameme siya. "Nakakamiss kasi si Karryle."

Sinakal ko siya ng marahan. "Tang na! Na-inlove na ang gago! Papasa ka ba sa pamilya namin?" pabirong tanong ko.

"Paano ba makakapasa ang hamak na drummer lang?" Nalungkot siya.

Parang nakonsensiya tuloy ako. "Huwag mong hamakin ang katulad mong drummer. Halos lahat ng mga sikat o di sikat na music, may kontribusyon ng drummer. Who knows, ikaw na ang susunod. Joke lang 'yung sinabi ko kanina." Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya.

"Wala 'yun! Sanay na ako sa ganyang biro." Ngumiti na siya.

"E, bakit namimiss mo ang pinsan ko?"

"E, kesa naman si Dindee ang mamiss ko! E, di nagselos ka na naman."

Tawa kami ng tawa. Oo nga. May point siya. Ang husay niya ring lumusot. Ayaw lang umamin.

Kahit nakakapagod at nakakaantok magbiyahe, wala pa ring kapagod-pagod ang bunganga namin sa pagkukuwentuhan. Parang ganito: Kami na nga ang nanuod ng sine, kami pa ang magkausap. Binalik-balikan lang namin ang mga naganap sa ilang araw naming bakasyon sa Aklan. Sabi niya nga, first time niya lahat. First time makalibre ng out-of-town. First time sa aklan. First time tumibok ang puso niya.

"Sana sinabi mo agad, para iniwan na kita dun. In-love ka pala e!" biro ko.

"Bakit? Kaya mo bang pakainin ng tatlong beses sa isang araw ang pamilya ko?" Tumawa pa siya.

Na-gets ko siya agad. "Hindi ko kaya 'yun. Ikaw lang ang makakagawa nun. Kaya nga, bilib ako sa'yo, Bro!" Halos, gusto ko pa siyang kamayan. Talagang nakakahanga ang pagiging bread winner niya.

"Ngayon, sabihin mo. Dapat pa ba akong magtapos ng pag-aaral ko?"

Saglit akong nag-isip. "Ang edukasyon naman ay walang edad. Kung kailan ka handa o nakakaluwag, ipagpatuloy mo. Ito lang kasi ang may malaking tulong sa ating kinabukasan. Naniniwala ka ba dun?"

Tumango siya. Tapos di na siya nagsalita. Hanggang sa natahimik kami.

Nagkaroon din kami ng time para matulog.

Ala-una na ako nakauwi sa bahay. Plakda ako maghapon. Bukas na ako magkukuwento kina Mommy at Daddy.
The 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...