Followers

Thursday, April 2, 2015

BlurRed: Sign

Hindi ko ngayon na-enjoy ang Huwebes Santo. Kung kailan pa nabuo ang pamilya ko, saka ko naman ito nararamdaman. Tinalo ko pa ang nagpepenitensiya. 
                Nasa Antipolo Church kami kaninang umaga. Nagdasal ako roon na sana magbago ang isip ni Dindee. Humingi rin ako ng sign. Kapag hindi nag-text si Dindee maghapon, ibig sabihin, wala na talaga.
                Naghintay ako. Pasilip-silip ako sa cellphone ko. 

                Nag-text si Jeoffrey. Nagtanong kung nasaan ako. Hindi ko ni-reply-an. Hindi naman siya ang inaasahan ko. 
                Hapon na kami nakauwi sa bahay. Wala pa ring text mula kay Dindee. Nawawalan na ako ng pag-asa. 
                "Nak, kanina ka pa. Parang ‘di ka matae." Napansin tuloy ni Mommy ang mga kilos ko. 
                Nilapag ko sa center table ang cellphone ko at nilapitan ko siya sa kusina. 
                "Hindi pa rin po kasi nagte-text si Dindee," wika ko. 
                "Sus! Siyempre naman, hindi muna iyon magte-text. Huwag ka mag-alala, mami-miss ka rin niya." Pinasaya ako ni Mommy.
                "Talaga po?" Bumilog yata ang mata ko, na parang bata. Asang-asa ako sa tinuran ni Mommy. 
                "Oo! Babae rin ako." Hinalo-halo niya muna ang asukal, na nilagay niya sa kape. "Sa guwapo mong 'yan, I'm sure kinikilig pa siya sa 'yo. Parang ako noon kay Daddy mo." 
                Kinilig pa si Mommy. Ako naman ay napangiti.  Naniwala tuloy ako.
                "O, ihatid mo muna itong kape sa sweetheart ko. Nasa labas siya, nasa mga bonsai niya." 
                Ang cute pala ni Mommy kapag kinikilig. 
                Natagalan pa ako sa labas. Nakipagkuwentuhan pa kasi si Daddy sa akin. Binida niya ang mga bonsai niya.
                Pagpasok ko, ang cellphone ko ang hinanap ko. Pagtingin ko, dalawang missed calls ang nakarehistro. Natuwa ako, si Dindee kasi ang tumatawag. 
                Yes!
                Kaya lang, text lang ang hiningi kong sign. Paano 'yon? Ang labo!
                Tinext ko siya. "Sori, dee. Di ko nsgot. Kausap q kc c Dad s lbas. Twag k. O kya twgan kta."
                Nang dinayal ko, out of coverage naman siya. 

                Sayang! 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...