Followers

Saturday, April 11, 2015

Hijo de Puta: Noventa y sais

Parang nabitin ako sa sex namin ni Romina. Kaya pag-uwi ko, nagsarili pa ako. Marami-rami pang tamod ang lumabas sa akin. Libog na libog ko sa kanya. Ang sarap niya.

Aaraw-arawin ko siya, naisip ko.

Hindi ko pa naitataas ang shorts ko, nag-ring ang cellphone ko.

Si Jake ang tumatawag. “Hello, Jake!”

“Hello, Kuya. Musta? Sa’n ka na?”

“Ayos lang. Dito pa rin sa probinsiya. Ikaw? Musta? Bakit napatawag ka?”

“Nag-away kami ni Lemar kagabi.” Kaya pala malungkot ang boses niya.

“Bakit naman?”

“Selos, Kuya.. Nagselos sa lalaking nakatable ko kagabi.”

“Lalaki o bading?”

“Lalaki po.”

Alam ko na ang gusto niyang sabihin. Bihis-lalaki, pero lalaki ang hanap. Hehe. “Dapat pinaunawa mo na trabaho at pera lang ang hanap mo.”

“Pinaliwanag ko naman po, e. Ang problema, nakita niyang inabutan ako ng calling card ng customer ko. Ayun! Halos, bugbugin ako. Ayoko na, Kuya. Sadista si Lemar! Hindi naman ako masaya sa kanya. Babae pa rin ang hanap ko.”

Naawa ako kay Jake. Ang bata pa niya para sa kamunduhan. Nasadlak agad siya sa impyernong ito. Tapos, dagdagan pa ng Kalbaryo sa relasyon nila ni Lemar.

Kilala ko si Lemar. Kaya niyang pumatay para makuha lang ang gusto niya. Naalala ko tuloy ang away namin.

“Hayaan mo, tatawagan ko siya.”

“Salamat, Kuya? Pakisabi, hindi na muna ako uuwi sa kanya.”

“Umuwi ka dun, Jake. Suyuin mo muna. Kilala mo na siya, alam ko. Alam mo na rin ang mga ayaw at gusto niya. Diskartehan mo para mawala ang galit niya sa’yo.”

Hindi ko siya narinig ng ilang sandali. “Hello, Jake?! Hello?”

“Hello, Kuya.. ayaw ko na sanang bumalik sa bahay niya. Binantaan niya akong papatayin.”

“Tsk tsk. Mag-iingat ka. Iba si Lemar. Sige.. sige. Didiskartehan ko. Tatawagan ko siya ngayon din. Sige, hintayin mo ang abiso ko. Bye.”

Saka ko pa lang naitaas ang shorts ko.

Nabagabag tuloy ako.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...