Nag-usap kami ni Jeoffrey sa bar kagabi, tungkol sa pagsama niya sa Aklan. May P970 daw siyang naitabi. Pautangin ko na lang daw siya, kung magkano man ang kulang. Nagtext na rin daw siya kay Dindee at nagsabing siya na lang ang bahala sa pagkain niya doon.
"Walang problema sa pagkain, pagdating doon." pagbibida ko naman.
"E, di wow!" Tumawa muna si Jeoffrey. "Sige na, tuloy na tayo!"
Hindi pa ako nakapagsalita ay tumawag na si Dindee. Kinumpirma niya na siya na ang bahala ng pamasahe ni Jeoffrey pabalik. Sagot ko naman ang gastos sa pagkain namin sa biyahe. Nag-deal kami at na-excite kaming tatlo.
Kanina ay pumunta pa si Jeoffrey sa bahay. "Ano? Kelan tayo aalis?" tanong niya.
"Excited ka masyado, Bro. Bakit pinayagan ka na ba ng bandmates mo?"
Nalungkot siya. "Hindi pa."
Natawa ako. "Magpaalam ka na muna bago ka ma-excite, baka mapurnada."
Maghapon nang nasa bahay si Jeoffrey. Alas-sais na siya umuwi. Kailangan daw niyang makarating sa practice ng banda nila. Or else baka hindi siya payagang magbakasyon.
"Ilang araw ba tayo dun?"
"Depende.."
"Depende saan o ano?"
"Basta! Di ko alam."
Kakamot-kamot ng ulo si Jeoffrey. "Ang labo mo."
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment