Ang pula ay isa sa mga napakakaganda at nakakaakit na kulay. Marami rin ang mga kaalamang may kinalaman dito na tiyak na makakapagbigay sa atin ng interes.
Ang pula ay ang pinakamataas na arko sa bahaghari (rainbow).
Ang pula ang pinakamahabang wavelentgh sa liwanag.
Si Eric the Red ay isang Norwegian Viking na nakilala sa kanyang matapang na pananakop sa Greenland. Ang kanyang palayaw ay hango sa kanyang matingkad na pulang buhok at balbas.
Nirerekomemda naman ng Feng Shui ang pagpipintura sa harapang pinto ng bahay upang makaakit ng kasahanaan sa may-ari nito.
Ang mga bubuyog ay nakakakita ng lahat ng matitingkad na kulay, maliban sa pula. Kaya, ang mga pulang bulaklak ay kadalasang pino-pollinate ng mga paruparo, ibon, paniki at hangin.
Ang pulang kulay ay nangangahulugang 'matindi' sa color-coded threat system na itinalaga sa presidential order noong 2002 sa Estados Unidos. Kaya nga may tinatawag na 'red alert'.
Ang 'red' ay ginagamit sa pananalita. Kapag sinabing 'caught red-handed', ito ay nangangahulugang nahuli sa akto. Ang 'red carpet treatment' ay espesyal na trato sa importaneng tao. Ang 'red in the face' ay napahiya. Ang 'seeing red' ay nagagalit. Ang 'red flag' ay babala ng kapahamakan. Ang "not worth a red cent' ay walang anumang halaga. Ang 'red letter day' ay mahalaga at masayang araw. Ang 'red tape' ay maling gawain at proseso sa mga opisina. Ang 'in the red' ay salitang may kinalamaan sa ekonomiya na tumutukoy sa kalugian. Ang 'scarlet letter' ay di kaaya-ayang simbolo para sa pangangalunya, na nagsimula sa nobela ni Nathaniel Hawthorne noong 1850, ang "The Scarlet Letter".
Ang pula ay ang paboritong kulay ng manunulat nito. Hehe
Tunay ngang napakaganda ng kulay pula. Interesting, 'ika nga.
No comments:
Post a Comment