Followers

Sunday, April 5, 2015

Kumpletos Rekados

"Simula ngayon, wala ng maglilihim sa ating tatlo." sabi ni Daddy pagkatapos naming mag-aminan ng mga lihim namin sa isa't isa. 

Si Mommy ang nauna. Inamin niya na minsan siyang pinagnasaan ni Boss Rey. Kaya, nagkuwento na rin ako't sinuportahan ni Daddy. Naawa sa akin si Mommy. Pinahihinto na nga akong tumugtog. Pero, binida naman na ni Daddy ang ginawa niya kaya nakakatiyak daw siyang di na iyon uulitin ng boss ko. 

"Sana nga, Red! Kapag ginawa niya ulit iyon sa'yo, di ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya."

Lumapit si Daddy kay Mommy at niyakap niya si Mommy mula sa likod. "Sorry, hindi dapat kami naglilihim ng anak mo." Kiniss niya pa sa buhok ang aking ina.

"Sorry din kasi itinago ko sa'yo, o namin ni Red ang ginawang kabastusan sa akin ng manyak na 'yun." 

Natawa ako. "Kasalanan ko po yata pareho."

''Siguro nga, Red!" biro ni Daddy.

"Hindi naman. Kasalanan ng bading mong boss!" sagot naman ni Mommy. "Kulang na lang ang Daddy mo. Kumpletos rekados na." 

Nagtawanan kami. 

Kanina, nagtext si Riz. Sinabi niyang nalulungkot siya. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan hanggang siya na mismo ang naghangad na magkita kami o kaya puntahan ko siya sa bahay nila. 

Gusto ko. Ayaw naman ni Mommy. Ipinaramdam niya sa akin na huwag akong makipaglapit masyado kay Riz kung gusto kong makabalikan si Dindee. Mas gusto niya pa rin si Dindee para sa akin.

Hindi ko napagbigyan si Riz. Alam kong nalungkot siyang lalo nang di na siya nag-reply. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...