Minsan, mahalaga rin na mapuyat tayo o kaya ay mahirapang matulog dahil iyon ang time kung kelan tayo nakakapag-isip-isip. Ang mga oras na ito ay ang mga sandaling bukas at malaya ang ating isipan sa mga alaala, mga posibilidad, mga plano at mga pangarap.
Kagabi ay nahirapan akong matulog. Pero, dahil dun ay naalala kong may napakahalaga pala akong dapat gawin sa lalong madaling panahon na kapag di ko agad magawa ay matatagalan pang matupad ang pangarap ko. Kaya, ngayon din ay sisimulan kong muli ang aking nakaligtaang gawain.
Napakahalagang matupad natin ang mga balakin natin sa buhay. Nakakaligtaan man natin ay may mga oras na ating maaalala. Ipagpasalamat natin ang mga gabing nahihirapan tayong matulog sapagkat maaari natin itong gamitin sa makabuluhang mga bagay.
No comments:
Post a Comment