Followers

Monday, April 27, 2015

BlurRed: Problema

Naging matagumpay ang unang tandem performances namin ni Jeoffrey. Marami ang natuwa, kabilang na si Boss Rey. Nakipag-apiran din ang mga kabanda niya pagkatapos. Ayos daw.

“Congrats sa inyong dalawa, Red at Jeoffrey!” bati sa amin ni Dindee. Tinext ko kasi siya. Tapos, tinawagan kami. Naka-loud speaker kami.

“Sana andito ka para trio tayo.” Biro ni Jeoffrey.

“Hay, Diyos ko, Jeoff. Okay lang. Kayo na lang.”

Nagtawanan kami.

“Uy, bakit gising pa ng love ko?” kako.

“Nanunuod pa kasi kami ni Mommy sa DVD. O, sige na nga, good night na sa inyo. Ingat sa pag-uwi!”

“Good night, Dindee!” Halos sabay pa naming nasabi.

Nauna na akong umuwi kasi tutugtog pa si Jeoffrey, kasama ang mga bandmates niya. Naibigay ko na rin sa kanya ang P500 na parte niya. Halos, maluha siya sa tuwa.

“Hindi ko ito makakalimutan, Red! Salamat talaga! Hulog ka ng langit sa akin..”

Ang drama niya kaya dinugtungan ko ng biro. “E, di..sana kunin na ako ni Lord?”

Tumawa muna siya. “Huwag muna.”

Second day ng practice namin, sa bahay na lang kami. Si Jeoffrey ang pinapunta ko. Tutal may pamasahe na siya.

Mga OPM naman ang binanatan namin. Dalawang sikat at isang hindi. Itinuro ko sa kanya ang second composition ko na “Problema Lang ‘Yan”. Bagay sa kanya ang kantang ito kasi andami niyang problema sa buhay. Hehe. Pero, hindi niya napansin. Para kasing nawala ang problema niya.

Speaking of ‘problema’, si Riz ay may pinagdadaanan na namang problema.

Nag-text sa akin. Nalulungkot daw siya. Hindi ko alam kung totoo o gusto lang magpapansin. Hindi ko na lang siya ni-reply-an. Ayokong makita ako ni Jeoffrey na text ng text pero hindi naman pala si Dindee ang katext ko. Baka pagmulan na naman ang away namin. Mahirap na.



No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...