Followers

Wednesday, April 15, 2015

BlurRed: Kalog

"Tuloy ka pa ba sa Aklan, Red?" tanong ni Mommy habang nag-aalmusal kami.

Nasamid pa ako bago ako nakasagot. "Hindi pa po ako nakabuo ng limang libo.."

"Ang tanong ko kung tutuloy ka pa?" Tumawa pa siya.

Natawa rin.si Daddy. "Ang sunod niyang isasagot, alam mo?"

"Ano?" si Mommy.

"Hindi pa kami okay ni Dindee.."

Napuno ng tawa nila ang kusina. Pinagtripan na naman nila ako. Umagang-umaga e.

"O, anak..nasagot ba namin ang tanong mo?" Ang kulit ni Mommy ngayon.

Natawa din tuloy ako. "Opo. Very good po kayo." Gusto ko sanang iliko ang usapan, kaya lang kailangang malaman nila ang mga plano o ang nasa isip ko. Iyon ang pangako namin sa isa't isa. "Since, okay na kami ni Dindee, kagabi pa..tutuloy po ako. Siguro, next week na. Ilang tugtog pa sa bar."

"Ha?!" Nagulat ako sa reaksyon ni Daddy. "Di ba pwedeng sa May na. Hihiramin ko ang pera mo. Pandagdag sa pambili ng materyales ng CR natin bukas. Ipapagawa na."

"Ha?!" Natawa naman sila sa reaksiyon ko. "Bakit?! Akala ko may pera na kayo para dyan?!"

"Red..kulang kaya hihiramin muna namin sa'yo ang pamasahe mo. Hindi naman aalis dun si Dindee."

Naibagsak ko ang kutsara dahil napakamot ako sa ulo ko. "Sorry po.." Dinampot ko iyon. "Sige po. Magkano pa ba ang kulang? Pwede naman pong sa July na ako umalis.." Bitter ma ako kahit nakangiti kunwari. Tapos, nag-concentrate na ako sa pagkain ko.

"Ito namang binata mo, Mommy..di na mabiro. Ayan, ang haba na tuloy ng nguso." si Daddy.

Nagtawanan pa sila.

"Niloloko niyo na naman ako, e!" 

Tawa ng tawa ang dalawa.

Pumunta ako sa salamin at tiningnan ko amg nguso ko habang makasimamgot. "Hindi naman, e."

Nakakatuwa din ang dalawa. Parang mga barkada ko lang. Blessings sila sa akin. Ang swerte ko sa kanila. Kalog na, mababait pa.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...