Followers

Saturday, April 25, 2015

BlurRed: Online

Nagkuwentuhan kami nina Mommy at Daddy habang nag-aalmusal kanina. Natutuwa sila dahil naging masaya ang pag-uwi ko. Sinabi ko rin na ini-expect nina Lola at Lolo ang pag-uwi namang tatlo.

"Hayaan mo, Red, pag natapos itong pagpapaayos natin ng bahay.." ani Daddy.

"Korek! Ngayon pa, e, buo na uli tayo." si Mommy. Nagtinginan pa sila ni Daddy at nginitian ang isa't isa. 

Ang sweet! 

"Kumusta naman si Dindee? Babalik pa ba?" 

Bigla akong nalungkot sa tanong ni Mommy. Kaya, umiling na lang ako. 

"Parang iyon nga ang sabi sa akin ni Lourdes nang tumawag sa akin nung isang araw. Hayaan mo na, anak. Hindi naman hadlang ang distance sa relasyon."

"Sana po, Mommy."

Lalo ko lang naalala si Dindee pagkatapos naming mag-almusal. Nalimitan ko lang siya nang maalala kong tutugtog pala ako mamaya sa MusicStram. So, kailangan kong mag-practice. 

Mga oldies naman ang binanatan ko gaya ng 'Leader of the Band', 'Imagine' at 'Sleeping Child'. Minsan, trip ko ang mga sinaunang kanta. Pumapatok pa rin naman sa mga customer. 

As an musician, kailangang marami akong alam na kanta. Kahit anong genre. Iyan the din ang madalas na sinasabi sa akin nina Mommy at Daddy.

Bago ako pumunta sa bar, nag-upload muna ako ng mga pictures namin sa Aklan. Marami din akong kuha kahit cellphone lang ang gamit ko. Pero, nakita kong mas marami ang in-upload ni Dindee. 

Nakakatuwa! Ang saya ng bawat litrato..

"Hi, Red! Mukhang enjoy na enjoy ka doon.." PM iyan sa akin ni Riz. 

"Hi, Riz! Oo. Nag-enjoy talaga ako." sagot ko naman, not knowing na nalulungkot siya.

"Obvious naman, eh. Kaya nga, nagsisisi ako kung bakit nag-online pa ako.."

"Bakit naman?" Maang-maangan pa ako.

Hindi na siya nag-reply. 

Alam kong nagseselos siya. Pero, mali. Wala siyang dahilan para magselos. Hindi naman kami. Hindi ko naman ginawa iyon para pagselosin siya. 

Ang labo niya!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...