Nag-stay na lang kami sa bahay maghapon. Nanuod
kami ng '7 Last Words' at ibang palabas sa telebisyon, habang ka-text ko sina
Jeoffrey at Gio.
Si
Jeoffrey ay mag-aalay-lakad daw kasama ang mga kalugar niya. Sa kanya ko rin
nalaman na mag-aalay-lakad din si Dindee. Napag-usapan din namin ang tungkol sa
sign na hiningi ko sa Diyos kahapon. Natawa siya. Tumawag daw kasi si Dindee
dahil gusto akong makausap nina Lolo at Lola. Binisita niya sila kahapon.
A,
wala na pala akong pag-asa sa kanya. Akala ko, sasabihin niyang miss na niya
ako.
Si
Gio naman ay nagyayayang mag-alay-lakad. Wala raw siyang ka-bonding. Hindi ko
naman pinagbigyan kasi tinatamad ako.
Nag-text
din pala ang pinsan kong si Karrylle. Panay ang
tanong tungkol sa amin ni Dindee. Sinayang ko raw
si Dindee. Itinanggi ko naman ang paratang niya. Tapos, humingi ako ng tulong
sa kanya, na magkabalikan kami ng bestfriend niya. Oo raw, basta ilakad ko rin siya kay Jeoffrey.
"Bwist k! Kw n b ang mnllgaw s llaki?" sagot ko.
"Jowk lng! Sympre Hnde noh! NaintrigA lng aq s kwnto ni DindEe. Pogi dw."
"Bhla nga kaU!"
"Bwist k! Kw n b ang mnllgaw s llaki?" sagot ko.
"Jowk lng! Sympre Hnde noh! NaintrigA lng aq s kwnto ni DindEe. Pogi dw."
"Bhla nga kaU!"
Na-miss
ko rin sina Lolo at Lola, kaya sabi ko kay Karrylle na
ikumusta at i-kiss na lang niya ako sa kanila.
"MgbkasyOn kn kc d2. Arte mo, Eh. Mgkno b pmashe?"
"Bkt, sagoT mo n?"
"Hndi! NgTTnong lng.
Jeje!"
Maghapon
din akong nag-browse ng Facebook ko at timeline ni Dindee. Pinagsawaan ko ang
mga pictures niya, namin. Sobrang nakaka-miss siya. Naalala ko tuloy ang mga
kulitan namin. Tinugtog ko tuloy ang 'I Miss You Like Crazy' ng Moffats.
Nakakabaliw ang pagka-miss ko sa kanya.
No comments:
Post a Comment