Sa sobrang disappointment ko kina Dindee at
Jeoffrey, pumayag akong makipagkita kay Riz. Ako pa nga yata ang mas depressed
kaysa sa kanya.
Nagkita kami sa Luneta. Hindi ko mapigilan ang isip ko, na maalala si
Dindee, kahit gaano ko man iwinawaksi ang mga memories na kasama ko siya.
"Malungkot ka pa rin," sabi niya habang naglalakad kami.
"May naalala lang ako."
"Si Dindee ba?" Tumigil siya sa paglakad. Hinarap niya ako't
kinuha ang dalawa kong mga kamay.
Tiningnan ko siya bago ako tumango.
"Gusto mo pa rin ba siya?" Bumitiw na siya sa mga kamay ko at
nagsimulang maglakad. Naiwan ako.
Binilisan ko ang lakad. "Hindi ko nga alam, e. Ang labo na ng
relasyon namin."
"Gusto mo bang tulungan kitang makalimutan siya?"
Hindi ako nakasagot. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Isa pa may
nadapa kasing bata sa harap namin. Agad na tinulungan ni Riz. Pinulot ko naman
ang pagkaing puwede pang makain dahil nasa plastik pa naman.
"Huwag ka kasing tatakbo, Boy!" sabi ko pa sa bata.
Tahimik na nagpatuloy kami sa paglakad.
First time naming mamasyal together. Dati-rati ay grupo kami kapag lumalabas.
Hindi man gaano kasaya ang pamamasyal o date namin, kahit paano ay
napawi ni Riz ang depression ko. Alam ko rin na nabawasan ko ang bitterness
niya sa buhay. Nag-status update pa nga siya sa Facebook. Sabi niya, "It's
a wonderdul date! --feeling in love"
Hanggat maaari ayaw kong paasahin siya. Ayaw kong ma-in love sa kanya.
No comments:
Post a Comment