Hinintay ko kagabi ang kabanda ni Jeoffrey para personal ko rin siyang maipagpaalam. Ayoko kasi na ako pa ang maging dahilan ng kanilang pagdi-disband.
Asset si Jeoffrey sa kanilang banda kaya ayaw siyang pakawalan. Kaya nga, nang nagpaalam daw siya, nahirapan siyang magkumbinsi. Kailangan niya pang takutin sila na tanggalin na siya. Pero, hindi iyon ang ginawa ng banda. Pinayagan na lang siya.
Napabilib nga ako ni Jeoffrey. Minsan, malakas din ang loob niya.
Nang naghuhintay sila ng bayad ng performance nila, saka ako nagsalita. "Mga, tol, sama ko si Jeoffrey sa Aklan. Sana ayos lang sa inyo. Mapilit e." Ngumiti pa ako.
"Walang problema, Red." sagot ng vocalist. "..Ang problema, walang pera yan." Itinuro pa si Joeffrey. Tapos, nagtawanan ang mga kabanda niya.
"Si Kuya.." Napkamot ng ulo si Jeoff at napangiti pa. "..Meron naman, kahit paano."
"Wag kayong bahala.. Maraming gawain dun si Lolo." biro ko din.
Nagtawanan na kaming lahat.
"Tama iyan! Paghugasin mo ng mga pinggan. Ang lakas kumain niyan, e." banat naman ng isa.
Naabutan kami ni Boss Rey na nagtatawanan. Nagtanong siya. Nagalit sa akin dahil promotor daw ako sa lakwatsa. Sino na naman daw ang tutugtog? Hindi na ako nagsalita. Dinaan ko na lang sa karisma.
"Si Boss naman, parang ödi naman dumaan sa pagkateenager. Siyempre, gusto din naming magliwaliw."
"Oo. Pero,.paano ang negosyo ko?"
"Marami naman pong banda.." Lumapit ako sa kanya. Inakbayan ko siya. "Anong pasalubong po ang gusto niyo?"
Nagtawanan sila. Natuwa din si Boss. "Ayos ka rin, e. Sikmuraan kita dyan, e.."
Lumayo na ako, baka nga sikmuraan ako. Ayaw pa naman niya magpahalata na bading siya.
Maya-maya, nagpaalam na kami. Pumayag na rin naman kasi si Boss.
Alas-otso pa lang ay nasa bahay na si Jeoffrey. Excited masyado. Hindi pa nga ako nakapag-almusal at nakapag-empake.
Kaya, nakatingin pa siya habang nag-aayos ako ng maleta ko.
"Ang suwerte mo talaga, Red." seryosong sabi ni Jeoff.
"Bakit naman?
"Nagagawa mo lahat ng gusto mo. Malaya ka. Sarili mo ang kita mo.."
"Ah..Hindi naman.."
"Alam mo..? Naiinggit ako sa'yo.."
"Wag kang mainggit. Kaya mo namang maabot ang mga naabot ko. May talent ka rin naman. Nagkataon lang na tumutulong ka sa iyong pamilya."
"Hindi lang naman iyon.."
Napamaang ako. "Ano pa?"
"Wala.. Basta!"
Natawa ako. "Ang labo mo!"
"Kasi..pati mga babae ay nagkakandarapa sa'yo. Ang lakas ng dating mo sa kanila. Sabi nga ni Daniel Padilla, na sa'yo na ang lahat!"
Tawa ako ng tawa. Ang lakas makaemo ni Jeoffrey, hindi naman seryoso. Nakakatawa lang.
"Umayos ka nga Jeoff. Kaltukin kita, e. Andami mong drama."
"Oo na! Nagsasabi lang ng totoo, e."
"Totoo ba yun? E, kundi halos ako lagi ang humahabol sa mga babae. Kay Dindee, ako ang madalas na nanunuyo.." paliwanag ko. Hindi kasi ako naniniwala sa sinasabi niya.
"Hindi rin. Iba pa rin..." May gusto siyang sabihin pero di ko na pinakinggan. Maliligo na kasi ako.
Alas-diyes ay nasa biyahe na kami papuntang Cubao, kung saan kami bibili ng tiket ng RORO bus.
Ang ingay ni Jeoffrey. Andaming tanong..andaming sinasabi. Kesyo, natatakot siyang lumubog ang barko. Hindi daw siya masyadong marunong lumangoy. Andami kong tawa. Ang sarap takutin.
Followers
Sunday, April 19, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment