Followers

Sunday, April 12, 2015

Hijo de Puta: Noventa y siyete

Tatlong beses kong dinayal ang number ni Lemar. Nag-riring naman. Hindi ko lang alam kung ayaw niya akong kausapin o tulog pa siya.

Naisip kong mag-iwan na lang ng text message. Sabi ko: "Musta, Mar? Musta kyo ni Jake? I hope ok lng kau. Mlpit n akong bmlik jn. Ingat kau lgi." Pinalabas ko na hindi pa nagsumbong sa akin si Jake. Sana maramdaman niya ang pag-aalala ko sa kanilang dalawa.

Agad ko ring tinext si Jake. Sinabi kong di ko nakausap si Lemar at nag-iwan na lang ako ng mensahe.

Okay lang daw, aniya. Hindi muna siya sasayaw mamayang gabi. Tatawagan din muna niya ang nasa calling card at doon magpalipas ng gabi.

"Di b mgging complicated ang sitwasyon nu?" Lalo akong nag-alala kay Jake. Mali yata ang desisyon niya.

"Di nya mlalaman. Ngtxt n aq s knya. Sbi ko sa bhay ng pinsan ko aq ttuloy."

"Nniwla kya?"

"Oo.. Sana.."

"Cge. Bhla k. Ingat k lgi. Txt2 n lng."

"slmat, kuya!"

Kinagabihan, nag-reply si Lemar. Ayos lang daw sila nila Jake. Paniwala siyang wala akong nalalaman. Pero, hindi naman ako naniwalang maayos silang dalawa. Nagsisinungaling siya.

Wala akong magawa. Nasa malayong lugar ako. Maaari ko sana silang matulungan kong nasa Manila ako.

Hindi ako agad nakatulog kaya nagpahangin ako sa labas. Tiyempo namang nasa kawayang bench, na nasa may tarangkahan ng bahay nila si Ador, ang kapatid ni Buboy at syota ni Romina. Nagyoyosi siya at umiinom ng beer.

Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon.


"Kuya Ador, andyan ka pala." bati ko sa kanya.

"Oo. Tara. Inom tayo. Magpapabili pa tayo kay Buboy." Itinaas pa niya ang bote ng grande.

Tatayo na sana siya. "Huwag na, 'Ya. Nagpapaantok lang. Baka tulog na rin Boy."

"Tamang-tama sana ito, pampaantok."

"Okay na 'yan. Marami pa naman ang laman. Sana pala, kanina pa ako lumabas."

"Oo, sana." Tinagayan niya ako.

Pagkatungga ko, tinanong ko siya. "Ano bang trabaho mo, Kuya?"
"Construction. Sa bayan. Patapos na nga e. Tiyak, matatambay na naman ako nito. Ang hirap pala pag walang pinag-aralan. Hanggang ganito lang ang buhay. Mabuti ka pa nga at nakapagtapos..." Tumungga din siya.

"Suwertehan lang din. Ako naman, hindi pa nakakasakay ng barko. Wala pa akong napapatunayan.."

"Masuwerte ka pa rin dahil may trabaho ka. Ano nga ba yun?"

"Ah..call center agent."

"Oo yun! Balita ko, malaki daw ang sahod nun. E, di andami mo nang ipon? Yosi nga pala."

"Hindi, Kuya. Bawal ang yosi.. Wala pang ipon. Bago lang ako."

Sandali kaming natahimik. Nakapagpalitan na kami ng baso, bago siya nagsalitang muli.

"Gusto ko na ngang lumagay sa tahimik. Gusto ko ng pakasalan si Romina, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako tanggap ni Aling Helen. Ano na lang daw ba ang ipapakain ko sa anak niya? Tama naman siya. Kami ngang magkaanak ay kinakapos madalas."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero, naisip kong itanong ito: "Gusto na rin ba ni.. ng girl friend mo na bumuo kayo ng pamilya?"

Natigalgal si Kuya Ador. "Ewan ko nga, e. Bihira lang kami magkasarilihan. Madalas, patago. Pag may sayawan dun sa plaza, saka lang kami nagkikita. Sa tindahan naman, hanggang tinginan lang kami. Ang hirap!"

Naunawaan ko na si Romina.


Marami pa kaming napagkuwentuhan kahit ubos na ang beer. Mas lalo siyang dumaldal. Nalaman ko tuloy na hindi pa niya natitikman ang pagkababae ni Romina. Sino kaya ang nakadevirginize sa girl friend niya, kung hindi siya?

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...