Followers

Wednesday, April 15, 2015

My Wattpad Lover: Heart

Ayaw kong imulat ang mga mata ko dahil kapag ginawa ko iyon, makikita ko sina Mommy at Daddy na nalulungkot at natatakot. Alam kong alalang-alala sila sa akin. Narinig ko silang pabulong na nag-uusap.

"Ano na kasi ang sinabi mo sa kanya? Nasobrahan ka yata sa sermon." May halong panininisi na sabi ng aking ina.

"Wala! Wala pa akong sinabi. You know me. Magdidinner pa lang tayo, di ba?"

"Bakit nagkaganito? Zander, I can't afford to lose our son."

"I know.." Alam kong niyakap ni Daddy sa Mommy at sumubsob siya dibdib para umiyak. "Calm down, he's gonna be alright. Sabi ni Doc, stable naman ang vital signs niya."

"Oo nga..pero..pero, look at him. Oh, God..!" Lalong lumakas ang iyak ni Mommy.

Naawa ako sa kanya. Hindi ko akalaing hahantong ako sa ganito. Nagsisisi ako. Hindi ako dapat nagpadala sa guilt ko.

Gustong umagos ng luha ko pero hindi pwede dahil nakatingin sila sa akin. Ayokong malaman nila na gising na ako.

My cellphone ring tone was heard in the room. I know someone's calling me.

"Answer his phone." utos ni Mommy.

"The publisher!"

"Sagutin mo. Dali!

"Hello, Sir? Good evening!..It's his dad. He's sick, Sir..Yes Sir.. But, he can't make it tomorrow. He has flu, Sir.. Maybe..maybe. Okay, Sir! Thank you! Bye." Bumuntomg-hininga pa siya after the call. "May book signing pala siya bukas. Pinostponed na lang."

"It's okay, Dad. Mas mahalaga ang kaligtasan ng ating anak. Mabuti naisipan mong mag white lie sa publisher. Hindi nila kailangang malaman ang nangyaring ito."

"Oo. We have to protect Zillion."

Tiningnan nila ako. Naramdaman ko. Huminto kasi sila sa pag-uusap.

"Kumain na muna tayo, Maila. Gutom na ako.."

"Mauna ka na, Dad. I'm okay."

"Are you sure?" Hindi sumagot si Mommy. Tumango lang siguro. "Okay!"

Lumapit sa akin si Mommy. Hinipo.ang pisngi ko. Hinaplos ang buhok ko. "Zil, magpakatatag ka. You're so young for this. Hindi mo ito deserve. Makinang na ang bituin mo. Huwag mong hayaang lumamlam dahil sa pag-ibig. We love so much, anak. Hindi namin kakayaning mawala ka sa amin ng Daddy mo."

Hindi ko na nakayanang pigilan pa ang mga luha ko. Umagos ito.

"Zillion!? Zillion, anak! Thanks, God, you're okay now!" She cried for joy.

I opened my eyes as she embraced me so carefully. Then, I saw Daddy weeping at behind her.

"I'm sorry, Mommy.. Daddy.."

"It' alright, anak." Mommy said.

Daddy patted my shoulder. My heart was overflowing with joy.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...