Followers

Saturday, April 11, 2015

My Wattpad Lover: Guilty


 My dad is so silent while he’s driving me home. Alam ko marami kaming dapat pag-usapan. I expect that. Gaya ng kinalakhan ko, hindi niya ito palalampasin. Pero, hindi niya iyon gagawin sa maling lugar. He will do it while we’re in the dining table.

He let me sleep while we are on our way home. Naramdaman ko na lang na nasa loob na kami ng garahe.

“Zil, we’re here.” announce ni Daddy.

Hinintay niya akong makababa ng sasakyan. Then, he puts his hand on my shoulder as we walk to our house. Napakasweet niya pa rin kahit may kamalian akong nagawa.

I wish mahaba ang lalakarin namin para maramdaman ko ng matagal ang pagmamahal at pag-unawa niya sa akin. Kaya lang, ilang sandali lang ay nasa kabahayan na kami.

We kissed Mommy as she greets us.

“Dinner’s ready!” masaya pa niyang sabi.

“Mag-rerefresh at magpapalit lang kami.” Dad said.

“Okay. Hintayin ko kayo.”

As I cleanse, I could hardly move my body. Gusto kong magbabad sa bathtub. I’m thinking of Angela. I’m feeling guilty. I should have done that to her. Pero, huli na ang lahat. Nasaktan ko na siya at ang kanyang mga magulang. Hindi ko na siya makikita.

Humarap ako sa salamin. Tiningnan ko ang kabuuan ng pisikal kong anyo. Binata na nga ako. Matangkad. Katamtaman ang hubog ng katawan. Makinis. Hindi ko maikakailang maaari nga akong makapagpa-inlove ng maraming babae.

Kumabog ang dibdib ko. Mababait sina Mommy at Daddy. Idol ko nga sila dahil sila ang epitome ng tunay na pagmamahal. Nahihiya akong humarap sa kanila.

Inabot ko ang razor. Wala akong balbas at bigote pero nagpabili talaga ako nito kay Mommy, noong nakarang buwan. Ngayon ay magagamit ko na siya.

Idinampi ko ang talim nito sa aking pulso. Pumikit ako at mabilis kong hinila pasaliwa sa aking balat. Halos, mapasigaw ako sa sakit. Naramdaman kong umagos ang dugo ko mula dito.

“Patawad po..” nasambit ko, bago ko muling laslasin ang aking pulso.


Dumilim ang aking paningin.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...