"Gud day! Red, smhan mo nmn aq s national" Iyan ang text sa skin ni Riz, kaninang alas-diyes.
Alas onse y medya ko na nabasa kasi naggitara ako sa labas, habang nakikipagkuwentuhan kay Daddy, na busy naman sa pag-aalaga ng mga bonsai niya. Noon ko lang napansin na apat na pala ang bonsai niya.
Hindi ako mahilig sa bonsai pero interesado akong malaman ang mga pangalan ng alaga niyang puno. Ang gaganda e. Pampalawa nga daw niya ang mga iyon ng stress.
Pero, nang mabasa ko ang text ni Riz, na-stress ako. Siguro nga ay dapat na akong matutong magbonsai.
"Sori 4 d laTe repLy. BusY kC aq noW.." reply ko.
"BkiT? Khit snA mmyAng haPon.. NaistrEss kc aq. Gsto ko kAw ang pumilLi ng bOOk n bblhn q. Cgeh n, plz!?"
Ayoko din naman siyang maistress kaya pumayag na ako. Simpleng pakiusap lang naman, ipagkakait ko pa ba..
Alas-tres na kami nagkita.
Tuwang-tuwa siya nang makita ako. Halos gusto pa akong yakapin. Hindi naman niya iyon dating ginagawa. Ngayon ay naging PDA na siya at naging mas malambing sa akin.
Ayokong bigyan ito ng malisya. Ang lahat ng ito ay pawang kabutihang-loob lamang.
Antagal namin sa NBS. Hindi niya gusto ang karamihan ng mga pinili kong libro sa kanya, kahit bagay naman sa kanya ang istorya. Naisip ko nga, sinasadya niya lang para magtagal kami.
Pagkatapos naming makapili, nagyaya naman siyang magsine. Alam daw ng mga magulang niya na magdi-date kami kaya gagabihin siya.
Natawa ako ng palihim. Bakit kailangan niyang sabihin iyon? Samantalang, hindi ko naman plano ito.
Tsk tsk.
Masama na ang tama ni Riz sa akin. Napatunayan ko iyan nang nasa loob na kami ng sinehan. Kinuha niya kasi ang kamay ko. Nakipagholding-hands sa akin hanggang matapos ang palabas. May time pa na idinidikit niya ang katawan niya sa katawan ko. Nakakatukso pero nilabanan ko. Si Dindee pa rin ang iniisip ko.
Followers
Sunday, April 19, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment