Followers
Thursday, April 30, 2015
BlurRed: Tanga-hanga
Pumayag din si Mommy. "Lagi ka lang mag-iingat. Tiwala kami kay Jeoffrey. Mukhang mabait naman siya."
"Opo, Mommy. Thanks po sa inyo ni Daddy. Hayaan niyo po, lagi akong mag-iingat."
Pagkatapos kong tumugtog sa bar, sa lamay na ako dumiretso. Walang performance ngayong gabi ang banda ni Jeoffrey dahil di na siya pwede. Naghahanap nga daw ng extra drummer para magsubstitite sa kanya habang di pa naililibing ang tito niya. Biniro ko nga na sana ay marunong akong mag-drums.
Naeenjoy akong tumulong kay Jeoffrey sa pagseserve. At bandang alas-dose ng gabi, pinaggitara ako ni Jeoffrey. Nailabas ko lahat ng mga alam kong emotional na kanta. Ang sarap tumugtog kapag gusto mo ang ginagawa mo. Kahit walang bayad basta nakakapagpasaya ka ng tao.
Uminom din kami ni Jeoffrey ng tig-isang bote ng Tanduay Ice. Pampawala lang ng antok. Nakapaglaro din kami ng bingo. Hindi rin nawala ang mga paghanga ng mga babae sa akin. Maraming ipinakilala sa akin si Jeoffrey. Ni isa ay wala akong maalala kasi kay Dindee ako mas interesado.
"Dami mong tanga-hanga, Bro! Ang tulis mo talaga!" biro ni Jeoffrey.
Napangiti lang ako.
BlurRed: Burol
Hindi na nga nabigyan ng hustisya ang mga kantang inihanda namin. Pati ang pag-drums niya ay apektado.
Ang laki kasi ng problema niya, lalo na ng kanyang ina.
Nag-iisang kapatid ng kanyang ina ang Tito Rene niya. Binata. Pero, naliko ng landas. Napasok sa pandurugas. Labas-masok na nga sa kulungan. At kagabi, nabaril siya ng mga pulis dahil sinubukang tumakas nang masukol sa isang operasyon niya.
Nakakalungkot. Masalimuot ang buhay ng tito niya. Kaya naman siya naiiyak dahil apektado siya sa mga gastusin.
Bilang kaibigan niya, pinakalma ko ang damdamin niya. Sabi ko ay humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay at barangay. Inalok ko rin ang serbisyo ko. Pwede akong maging serbidor at entertainer. Natawa siya pero malungkot pa rin.
Pagkatapos kong magperform, dumiretso na ako sa bahay nila. Wala doon ang lamay. Napag-alaman ko na nasa barangay hall pala nakaburol. Doon ako pumunta.
Sa lamay ay wala naman akong naitulong physically. Moral support na lang ang ginawa ko. Pinatawag ko na lang si Dindee. Kahit paano ay naibsan amg kalungkutan niya. Iba pala ang nagagawa ng boses niya. Narinig lang siya ay parang naglaho lahat ang sakit.
Dumating din, bago ako umuwi, si Boss Rey. Nagbigay siya ng limos. Sa harap ng ataul, kinausap niya ang nanay ni Jeoff. Sunod naman niyang kinausap ang kaibigan ko. Kung ano man ang pinag-usapan nila, hindi ko na alam. Ang alam ko ay nakalamay na ang puso niya nang nagpaalam akong umuwi. Pagkatapos iyon na umuwi ng boss namin.
Napatunayan kong nagtutulungan pa rin ang mga Pilipino sa oras ng kagipitan.
Tuesday, April 28, 2015
BlurRed: Distance
Ang sarap tulungan ni Jeoffrey. Nagsusumikap. Nang nagtext nga kami ni Dindee, sabi niya ay hikayatin ko daw na ipagpatuloy niya ang pag-aaral niya. Tutal naman daw ay gabi naman ang trabaho niya at ilang oras lang.
"Oo nga, no?! Cge hayaan mo. Ggawin ko 'yn." sagot ko. Tapos, nabanggit ko rin ang pag-aaral niya.
Desidido na raw talaga siya. Medyo nairita nga sa tanong ko. Paulit-ulit daw ako. Nag-sorry na naman ako kahit wala namang masama sa ginawa ko. Haist! Ang hirap talaga! Ang labo niya lagi. Big deal ba yun? Nagtatanong lang naman.
Bahala nga siya! Kung ayaw na niya akong makasama sa bahay, ayos lang. Siyempre, kami pa rin naman. Distance lang ang hadlang.
Kanina, habang nagpapractice kami ni Jeoffrey, tinanong ako ni mommy. "Red, hindi ka ba napapagod? Supposedly, bakasyon mo pero naghahanapbuhay ka. Hindi mo naman kailangang..."
"Ayos lang naman po. Masaya naman po ako..kami!" Tinuro ko pa si Jeoffrey tapos nginitian niya si Mommy.
"I mean, baka gusto mong i-consume ang summer sa pag-rerelax."
"Hindi na po. Galing na po kami sa Aklan. Di ba po. Okay na po yun. Di ba, Jeoff?"
Nagulat si Jeoffrey. " Ah. Opo! Okay na po yun. Trabaho naman po."
"Saka, nag-iipon po kami ni Jeoff. Ako po ay may gustong bilhin. Siya po ay gustong mag-aral uli. Di ba, Bro?!" Hinampas ko pa ang binti niya kasi nagtataingang-kawali siya.
Ikinagulat niya iyon. Hindi siya nakapagsalita. Napakamot lang sa batok.
"Mabuti 'yan, Jeoff. Ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata sa buhay. Ipagpatuloy mo. Walang rason para hindi ka makatapos. Maraming paraan."
Tumango-tango lang siya. At pagkaalis ni Mommy, tawa ako ng tawa.
"Ayan, masabi-masabi ha? Wala ng bawian." sabi ko.
"F**k you! Lakas mong mangtrip."
Monday, April 27, 2015
BlurRed: Problema
Sunday, April 26, 2015
BlurRed: Renta
Alter Ego: Takot
Saturday, April 25, 2015
BlurRed: Online
Hijo de Puta: Noventa y nuwebe
Premonisyon
Ang patalastas kasi ay parang nagsasabing ang laban nila ay magiging bahagi na ng history. Hindi naman ako propeta para sabihing may mamamatay sa labang iyon ngunit tila iyon ang naramdaman ko pagkatapos ng palatastas. Masyado kasing harsh at madilim ang pagkakadeliver nito. May demonyo akong nakikita sa screen na animo'y humahalakhak.
Sinabi ko iyon sa aking ina, isang buwan ang lumipas. Aniya, huwag ko daw hilingin iyon spagkat marami ang malulungkot. Marami kasi ang gagastos para makapunta sa arena o para makapanuod ng laban. Ang sagot ko naman ay grabe kasi ang pagpromote nila. Hindi naman talaga ito sports dahil may nasasaktan. Ginagawa na nilang sugal. Gusto ko pa sanang sabihin na natutuwa si Taning sa ganitong gawain.
Nag-agree ang aking ina sa aking tinuran. Dagdag pa niya, inaalis na nga daw sa sports ang boxing. Hindi na ako nagkomento. Basta nasabi ko na ang premonition ko. Magkamali man ako, mas makakabuti iyon sa dalawang magkatunggaling boksingero. Kabaligtaran kapag nagkatotoo. Pero, mapapatunayan ko ang sarili ko.
Friday, April 24, 2015
BlurRed: Bread Winner
"Oo nga, e. Parang ayaw ko na ngang umuwi." dagdag ko pa. Naalala ko tuloy ang ilang araw na kami ay magkasama ni Dindee. Malamang matatagalan bago pa kami muling magkita. "Anong sabi mo ulit?" Hindi ko talaga narinig ang sagot niya.
"Sabi ko, mag-iipon ako para makabalik ako!" pasigaw pa niyang sinabi.
Natawa ako. "Aba! Talagang pag-iipunan mo ah. Dapat ang pag-aaral mo ang pag-ipunan mo."
Natameme siya. "Nakakamiss kasi si Karryle."
Sinakal ko siya ng marahan. "Tang na! Na-inlove na ang gago! Papasa ka ba sa pamilya namin?" pabirong tanong ko.
"Paano ba makakapasa ang hamak na drummer lang?" Nalungkot siya.
Parang nakonsensiya tuloy ako. "Huwag mong hamakin ang katulad mong drummer. Halos lahat ng mga sikat o di sikat na music, may kontribusyon ng drummer. Who knows, ikaw na ang susunod. Joke lang 'yung sinabi ko kanina." Tinapik-tapik ko pa ang balikat niya.
"Wala 'yun! Sanay na ako sa ganyang biro." Ngumiti na siya.
"E, bakit namimiss mo ang pinsan ko?"
"E, kesa naman si Dindee ang mamiss ko! E, di nagselos ka na naman."
Tawa kami ng tawa. Oo nga. May point siya. Ang husay niya ring lumusot. Ayaw lang umamin.
Kahit nakakapagod at nakakaantok magbiyahe, wala pa ring kapagod-pagod ang bunganga namin sa pagkukuwentuhan. Parang ganito: Kami na nga ang nanuod ng sine, kami pa ang magkausap. Binalik-balikan lang namin ang mga naganap sa ilang araw naming bakasyon sa Aklan. Sabi niya nga, first time niya lahat. First time makalibre ng out-of-town. First time sa aklan. First time tumibok ang puso niya.
"Sana sinabi mo agad, para iniwan na kita dun. In-love ka pala e!" biro ko.
"Bakit? Kaya mo bang pakainin ng tatlong beses sa isang araw ang pamilya ko?" Tumawa pa siya.
Na-gets ko siya agad. "Hindi ko kaya 'yun. Ikaw lang ang makakagawa nun. Kaya nga, bilib ako sa'yo, Bro!" Halos, gusto ko pa siyang kamayan. Talagang nakakahanga ang pagiging bread winner niya.
"Ngayon, sabihin mo. Dapat pa ba akong magtapos ng pag-aaral ko?"
Saglit akong nag-isip. "Ang edukasyon naman ay walang edad. Kung kailan ka handa o nakakaluwag, ipagpatuloy mo. Ito lang kasi ang may malaking tulong sa ating kinabukasan. Naniniwala ka ba dun?"
Tumango siya. Tapos di na siya nagsalita. Hanggang sa natahimik kami.
Nagkaroon din kami ng time para matulog.
Ala-una na ako nakauwi sa bahay. Plakda ako maghapon. Bukas na ako magkukuwento kina Mommy at Daddy.
Thursday, April 23, 2015
Halaman at Pangarap
Pananim niya kasi di inalagaan ng mabuti.
Hindi rin lahat ng nagtanim ay umaani.
Minsan kasi, ang kapitbahay ay nakikiani.
Hindi lahat ng nangarap ay nagtagumpay.
Siya kasi ay di kumilos at di nagsikhay.
Hindi lahat ng pangarap ay may tagumpay.
Minsan kasi, may mga taong humahadlang.
Ang pangarap ay parang halaman--
Itinatanim, dinidiligan at inaalagaan.
Ingatan sa mga pesteng mapaminsala
Upang paglago at pagbunga ay sagana.
Double Trouble 34
DENISE' POV
Caught-in-the-act kami ni Dr. Esperanza Lopez, ang matandang dalagang principal ng school namin. Nakatayo ako't nakaturo ang ballpen kay Kuya, habang ang mga salitang 'love triangle' ay isinisigaw ng mga kaklase namin.
"What's happening here?!" yamot na sigaw ng matanda. Nakapamaywang pa ito nang pumasok sa classroom. "Who's your teacher?"
"Si Mrs. Campores po!" chorus na sagot ng mga asungot.
Natameme kaming magkapatid. Napaupo ako. Napayuko naman si Kuya.
"Where is she?" Nasa gitna na ang principal.
"Nag-CR po," nanginginig sa takot na sagot ng kaharap ng punungguro. Itinuro kasi siya.
"Who's the culprit?" muling sigaw na tanong niya. Nakatingin siya sa akin.
Walang sumagot.
"Who's the culprit?" Mas malakas. Mas mabalasik. "Who's the culprit? Sino'ng pasimuno?"
Itinuro ng mga lalaki si Kuya. Itinuro naman ako ng mga babae, maliban kay Krishna. Kakatwa kahit natatakot na ako.
"You. And you, see me at the office.'' She looked at me scornfully. Then, lumabas siya ng silid. Tanging takatak ng mga takong niya ang aming narinig.
Pinakinggan ko iyon hanggang unti-unting naglaho sa ere. Hindi pa rin ako makakilos sa aking kinauupuan. Parang andaming anghel ang dumaan sa harap namin, samantalang tila demonyo ang dumating.
Isang malakas na tawanan at pangangantiyaw ang nagpaggising sa aking ulirat.
Si Kuya, nakita kong namutla. "Ikaw kasi!" paninisi ko sa kaniya. "Paano `to?'
"Ako ba? Ikaw ang tumayo, e. Ayan tuloy! Paano nga ba?"
"Yari kayo! Yari kayo!" pabulong na pang-aasar sa amin ng iba, lalo na ng mga lalaki.
Sinaway naman sila ni Krishna, na napansin kong balisa rin dahil sa pangyayari.
BlurRed: Desisyon
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...