Pulis. CCTV camera. Sikyu. Tanod. Ano pa? Sino pa? Paano pa
tayo magiging kampante sa ating kaligtasan?
Nakakatakot nang tumira sa mundong ating kinalakhan, dahil ang
mga pangyayari sa panahon ngayon ay sadyang nakakabagabag. Nariyan ang holdapan, carnapan, nakawan,
barilan, saksakan, dukutan, kaliwaan, patayan at kung anu-ano pang gawaing may
bahid ng kasamaan at kawalang-takot sa Maykapal.
Kamakailan lang, nagulantang ang Pilipinas sa isang balita.
Ito ang ang walang habas na pagpatay ng isang pulis sa tatlong guro ng
Pangasinan National High School at sa isang kubrador ng utang.
Bakit nangyari ang bagay na ito? Bakit kailangang humantaong
sa pagkitil ng buhay? Wala na bang ibang paraan para masolusyunan ang isang
di-pagkakaunawaan? May kulang pa ba sa seguridad? Ano ang dahilan?
Hindi ko lubos maisip kung bakit patuloy na dumarami ang
ganitong pangyayari. Hindi na ligtas ang bawat isa. Kapwa-tao ay binibiktima.
Tao rin ang salarin. Wala na bang papel ang mga pulis, security guard at tanod
o CCTV camera para maiwasan ang mga masasamang gawaing ito? Lalo pa nga yatang
nadaragdagan ang krimen o ang bilang ng mga kriminal. Dati naman ay walang mga
ganyan, Pero, andun ang kapayapaan at kabutihan sa paligid.
Kung hindi tayo mag-iingat, lahat tayo ay magiging biktima
ng karahasan. Huwag na rin nating asahan ang iba, sapagkat sarili lamang natin
at ang pananampalataya sa Diyos ang totoong makakapagligtas sa ating mga
sarili. Ang mga kapahamakan at kasamaan
ay laging nakaabang. Hindi natin alam kung kalian aatake. Kaya, pag-iingat at
kahandaan ang nararapat natin laging isaisip.
Seguridad, kay-ilap na nga! Bawat minute sa buhay ng bawat tao
ay may banta. Hindi na nga dapat tayo maging kampante, sapagkat ang
masasamang-loob ay hindi nagpapahalaga sa buhay ng iba. Ang seguridad ngayon ay
isa na lang pangarap--- isang ilusyon.
No comments:
Post a Comment