Followers

Monday, September 8, 2014

Redondo: Issuance of Card


Akala ko ay hindi darating si Daddy sa first issuance of report card at  second parents-teacher conference. Hindi niya pala ako kayang biguin. Saka, parang gusto din niyang makita si Mam Dina.

Hindi ako nakinig sa usapan nila. Naghintay lang ako sa covered court. Alas-kuwatro na lumabas si Daddy. Alam ko nag-usap sila ni Mam Dina, kasi nakita kong naglabasan na ang mga parents ng kaklase ko pero siya, wala pa. Kung ano man ang pinag-usapan nila, hindi ko na inusisa sa kanya. Ang tinanong ko lang ay ang tungkol sa akin.

“Top one ka, anak! Congrats!” Masayang pahayag ni Daddy.

“Yes! I made it!” Nag-aja sign pa ako. “Thanks, Dad!”

“Welcome! Galing!”

“Si Riz po?”

“Second siya. Point 3 lang ang lamang mo. Kaya, galingan mo pa para di ka maungusan.”

“Oo ba, Dad! Di ako papataob dun, lalo na ngayong…’ di ko na naituloy ang sinabi ko.

“Lalong ano?”

“Wala po. Tara na po! Treat ko kayo sa Chowking!”

“Aba! Gusto ko ‘yan! Tara! Text mo si Dindee, habol kamo siya.”

Hindi nakapunta si Dindee kasi may lakad silang magkaklase. Na-miss ko kaagad siya. Alas-otso na siya nakauwi. Hindi na kami nakapag-bonding ng matagal. Panay lang ang titigan namin kasi nako-conscious kami sa presensiya ni Daddy. Nagtext na lang kami.

Bago ako nahiga, binati ako ni Mommy. Ang husay ko daw. Sana ma-maintain ko raw para ako ang valedictorian. Hindi ko muna siya kinondisyon na kapag naging valedictorian ako ay dapat magbalikan sila ni Daddy. Next time na lang. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...