Followers

Sunday, September 14, 2014

Double Trouble 25

DENNIS' POV

"Hello, Kris! `Musta?" bati ko kay Krishna. Ang lakas ng loob ko. Nagawa ko ring ibahin ang dating ng pagbati ko. Dati-rati, simpleng 'hi' lang, ngayon, may kasama pang kindat at ngiti.

Napalingon si Krishna. Sa gulat niya, hindi niya nagawang ngumiti. "Hello!" lang ang nasambit niya.

"Bitbitin ko na ang mga dala mo," alok ko. Nakalahad na rin ang kamay ko.

"Huwag na. Malapit na rin naman tayo. Saan nga pala ang... si Denise? Bakit `di kayo nagsabay?"

"Nagbibihis pa nang umalis ako sa bahay. On the way na `yon!" Astig ko. Andami ko nang nasasabi ngayon.

Hindi naman ako nakapanligaw sa classroom dahil busy kaming lahat sa mga aralin. Kahit pala pinipilit kong maging astigin, hindi ko rin pala kayang sirain ang pag-aaral ko. It does not necessarily mean na kapag astig ang tao ay walang pagpapahalaga sa edukasyon. Ito dapat ang hindi ko tanggalin o baguhin sa aking sarii.

Recess. May nakapansin sa polo ko.

"Hayop! Si Dennis, dehins nang lampa!" Si Rigor, binu-bully na naman ako.

"Bakit?" tanong naman ng ala-alalay niyang si Brix.

"Ayan, o," turo niya sa tinupi kong manggas ng polo ko. "Hayop! Kailan ka pa natuto ng gan'yan?! Aba, matinde! Lupit!"

Nagtawanan ang dalawa. Nakisali ang halos lahat ng mga kaklase namin.

"Tuli na siguro," sabi pa habang lumalayo sa akin.

Lalong nagtawanan ang lahat.

Naasar ako. Nagpanting ang tainga ko. Kaya, hindi ko na pinalampas ang pambu-bully nila. Bingo na sila!

Nilapitan ko si Rigor at hinila ko ang kuwelo niya palapit sa akin. Mas malaki ako sa kaniya, kaya halos matumba siya. Nagulat ang lahat. "Anong sabi mo? Pakiulit!"

"Ha? May... may sinabi ba ako?" Nanginginig ang boses niya.

Binitiwan ko siya, pero malakas ko siyang inihagis palayo na ikatumba niya sa upuan ng kaklase naming babae. Sininghalan pa siya.

"Ayan! Nilabanan ka na!' sabi pa ni Lolita.

Nagpalakpakan din ang mga babae at nag-cheer. "Go, Dennis! Go!" Inihanda ko kasi ang kamao ko sa posibleng pagsugod niya. Pero, hindi siya sumugod dahil biglang sumungaw ang guro namin na nagbanyo lang.

Proud ako sa sarili ko. Astigin na kaya ako sa paningin nila?


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...