Followers

Friday, September 12, 2014

Redondo: Dugo

Pumasok ako sa school na hindi pa rin ako kinikibo ni Dindee. Hindi ko pa kasi nagawa ang payo ni Daddy kagabi. Maaga pa. Wala pa ako sa mood gawin iyon. 

Gayunpaman, kinakausap ko pa rin siya kahit hindi niya ako pinapansin. Nakisabay pa nga ako sa kanya sa pagsakay sa dyip. Siyempre, ibinayad ko siya. Tapos, nang bumaba na kami, binulungan ko siya ng 'Bye. Ingat. I love you.' Hindi niya nga ako pinansin at nilingon. Tindi niya magtampo. 

Tinext ko pa siya nang nasa school na ako. Sabi ko: "Kung paniniwalaan mo lang ako, malalaman mong mahal na mahal kita." As expected, di siya nag-reply.

Panay ang abang ko sa kanyang reply. Halos, hindi na nga ako nagkaroon ng focus sa lesson. Apektado ako talaga ng pagtatampo niya. Hindi naman kasi ako papayag na mag-break kami ng ganun-ganun na lang. Kailangan ko siyang mapaliwanagan.

Kanina, habang naghuhugas siya ng pinagkainan namin, isinagawa ko na ang payo ni Daddy.

"Red, nagdadabog ka ba?" si Daddy. Hinulog ko kasi sa sahig ang isang baso, kaya nabasag ito. Galit si Daddy. 

"Hindi po. Dumulas lang po."

"Dumulas? Sabihin mo, nagdadabog ka. Kung ano ang pinagdadaanan mo, huwag mong idaan sa ganyan.''

Dinampot ko ang mga basag na baso. Nakita kong patingin-tingin sa amin si Dindee.

Lumapit si Daddy sa akin. "Ayan! Nasagutan ka pa. Bahala ka nga dyan! Ayokong makakita ng dugo!" Galit na pumasok siya sa kuwarto.

Nagpaawa effect ako. Nataranta. Naghugas ng daliri sa lababo at pilit na pinupupo ang sugat at dugo sa pamamagitan ng pagtupi ko sa  daliri ko. Naghanap din ako ng panggamot sa cabinet. Wala akong nakita. 

Maya-maya, nakita ko na na palapit na sa akin si Dindee. Tumalikod ako sa kanya at humarap sa lababo.

"Akin na, gagamutin ko." sabi ni Dindee. Ramdam ko ang pagkaawa niya sa akin.

"Huwag na! Galit ka sa akin di ba?"

"Kung galit ako sa'yo, aalukin ba kitang gamutin yan?"

"Hindi ka na galit?'

"Hindi na. Akin na.. Huwag nang matigas ang ulo. Mauubusan ka ng dugo."

"Hindi ako mauubusan ng dugo..'' Hindi pa rin ako humaharap sa kanya.

"Bakit?"

"Kasi hindi naman ako nasugatan.." Humarap ako sa kanya at tumawa ako.

Pinaghahampas niya ako sa braso. "Walang hiya! Drama mo."

Lumabas si Daddy. Tumatawa.

"Ikaw, Tito, ah. Kinunsinti niyo po ito si Red..kaya nagiging spoiled."

"Hayaan mo na.." sabi ni Daddy.

"Ano pa nga po ba.." Ngumiti siya sa aming dalawa at kinurot niya ako sa tagiliran.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...