Followers

Saturday, September 20, 2014

Redondo: Bisita

Alas-nuwebe ng umaga, dumating si Mommy. Worried daw siya sa akin. pero, tiniyak ko sa kanya na ayos na ako. Pinag-usapan na lang namin ang baha kahapon. Dapat daw ay makabili na kami ng bahay na hindi binabaha. Tutal, hindi naman pag-aari ni Daddy ang tirahan naming ito. Naiwan lang ng may-ari kaya hindi na kami nakakapagbayad ng renta. Pag dumating iyon, baka singilin pa kami.

"Hayaan mo, Mommy.. pag naging matagumpay akong musikero, papatayuan ko kayo ni Daddy ng mansion." Para akong bata pero totoo ang sinasabi ko. Hindi naman ako tinawanan ni Mommy. 

Ginulo niya ang buhok ko. "Kaya nga mag-aral ka muna ng maigi. Huwag puro puso. Mag-iingat ka din lagi."

"Opo, Mommy. Hayaan niyo na 'to. Lesson learned.."

Nandoon lang sa likod namin si Daddy. Si Dindee naman ay nasa likod ni Mommy, nakatayo.

Maya-maya, dumating sina Riz at Mam Dina.

Nagkatininginan kami ni Daddy. Nagulat din si Mam Dina sa presence ni Mommy. Ang aking ina naman ay masayang binati si Mam. Napansin ko namang malamig ang trato niya kay Riz.  Kaya, pumasok muna siya sa kuwarto ni Dindee. Sinundan naman siya ng gf ko. 

Kami ni Daddy ang nakiharap sa mga bisita ko. Kinumusta lang naman ako ni Mam. Pinayuhan din akong huwag munang papasok. Si Riz naman ay nag-sorry sa akin at kay Daddy. Nag-abot din siya ng sobre.

"Pinabibigay po ng Papa ko. Pasensiya na raw po kung hindi sila makakadalaw ni Mama."

Ayaw sanang tanggapin ni Daddy pero, pinilit siya ni Riz. 

Pagkalipas ng siguro, bente minutos..nagpaalam na ang mga bisita namin. Very sweet namang pinasalamatan ni Mommy si Mam Dina. Marahil ay hindi pa niya alam ang namagitan sa kanila ni Daddy. Mabuti na rin iyon. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...