Followers

Sunday, September 14, 2014

Redondo: Magiging Biyenan

Dahil habagat at may Bagyong Luis sa ibang lugar, nasa bahay lang kaming tatlo, maghapon.  Wala kaming ginawa kundi kumain, magkulitan, mag-Facebook at makinig ng music videos sa Youtube.

Bago ang lunch, naglinis kami ni Dindee ng bahay, habang si Daddy ay naglalaba. Ang lakas ng sound habang gumagawa kami. Sound trip talaga. Noon ko lang napansin na hilig din pala ni Dindee ang music. Gusto niya rin ang genre ng music na gusto ko-- alternative rock. Sinasabayan niya pa ang tugtog. She really rocks!

After lunch, nag-stay kami ni Dindee sa kuwarto niya habang nagpi-Facebook. Si Daddy, solong-solo sa sala. Nanunuod siya ng TV.

"Gusto ko, i-add mo na uli si Riz." turan ni Dindee, habang nila-log-out niya ang FB account niya para pagbigyan niya akong mag-online. Nagulat ako sa sinabi niya. Pero, seryoso naman siya.

"Bakit?'' Iyan lang ang nasabi ko.

"Wala lang. Wala namang reason para i-unfriend mo siya, di ba?"

"Oo! Pero, baka hindi na niya ako i-accept."

"Just try it first."

Tiningnan ko muna siya. Seryoso talaga. So, in-add ko si Riz. Hindi naman agad niya ako in-aaccept. Siguro, dahil di siya online that time. Alas-singko na niya ako, in-accept.

Hindi ko alam kung bakit naisip ni Dindee ang idea na iyon. Siguro ay na-realize niya na hindi naman siya dapat pagselosan.

Hapon, nag-aral ako ng ibang kanta sa gitara ko. Mas maiging marami akong alam na kanta. Kahit ang mga lumang kanta ay tinugtog ko. Kinanta ko ring muli ang composition ko. Gusto ko rin sanang mag-compose uli. Kaso, parang di pa ako inspired ngayon. Kung kelan naman may girl friend na ako, saka pa ako nawalan ng inspirasyon. Anyare sa akin?!

Mabuti na lang, hindi na ako  tsina-challenge ni Dindee.

Dinner time. Tumawag ang Mommy ni Dindee. Malakas ang usapan nila. Parang nauunawaan ko ang pinag-uusapan nila. Ako. Ako ang topic nila. Parang nage-gets ko na alam na ng Mommy niya na kami na ni Dindee. Hindi naman siya nagagalit. Parang natutuwa pa nga. Kaya nga nang matapos ang usapan nila, bumalik  sa hapag si Dindee na nakangiti sa amin.. 

Nice! Boto sa akin ang magiging biyenan ko. He he.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...