Followers

Sunday, September 7, 2014

Liham, Lihim #13

                                                                                                                                  November 9, 2008
Honey,
     Hindi na ako mangungumusta sa inyo dahil alam kong nasa maganda naman kayong kalagayan at umaasa akong ganun  nga.   
     Ako, mabuti naman dito. Mahirap na masarap..
     Pero, hindi iyan ang dahilan ng pagliham ko, kundi ang masabi sa’yo ang mga pangarap ko.
     Kanina, habang nagpapahinga ako sa pag-scrub ng semento ng bahay sa Polot, nag-daydream ako. Ang sarap pala mangarap ng gising. Tila totoo rin. Ngunit nalungkot ako pagkatapos, dahil matatagalan pa marahil na makamit natin iyon.
     Simple lang naman ang hangad ko. Ang akin lang ay makauwi na rin kayo dito, pati na si Mama. Sana magkaroon na ako ng karera upang sa gayon ay paunti-unti ko nang matupad ang pangarap kong paraiso.
     Noong bago ako magtapos sa kolehiyo, ang ultimate dream ko ay magkaroon ng hotel-restaurant-resort in one. Sa tingin ko kasi dito ko maisasagawa lahat ng mga hobbies, talents at skills ko. Kasama ko noon ang mga close friends ko na sina Amy (nasa lending firm) at Frenel (nasa Dubai) sa pagpaplano.
     Ngayon, gusto ko na lang ng mas simple.
     Nakadalo ako sa kasalan na ginanap sa isang private venue. Maganda ang lugar. Naka-landscape. Pero, di-hamak na mas malaki ang lugar natin sa Polot. At, di malayong madaig ko pa iyon sa pagka-landscape.
     Gayunpaman, iyon ang naging inspirasyon ko sa pangarap na ito.
     Since, mahilig kami ni Mama sa paghahalaman, hindi ito imposible. Hindi imposibleng magawa ko ang planong ito paunti-unti. Subalit bago iyon, dapat muna nating isaalang-alang ang tirahan natin..
     Nalungkot ako dahil wala naman palang cash buyer ng lote. Ibig sabihin, matatagalan pa ang pagpapabubong natin. Matagal pa kayong makakauwi. Matagal pang matutupad ang pangarap kong paraiso.
     Kanina rin, habang nagpapaalis ako ng sakit ng likod, nag-imagine ako..
     Si Hanna at si Zildjian, naglalaro sa damuhan, naghahabulan, nagba-bike, gumugulong-gulong sila sa ibabaw ng well-trimmed na carabao grass.
     Tapos, ikaw, nag-i-spray ng mga orchids.
     Ako, nagbo-bonsai.
     At si Mama, nakangiti habang nagmamasid sa atin.
     Haay! Ang sarap mangarap!
     Gustong-gusto ko na ring makabalik sa Polot. Kung pwede nga lang ako matulog doon ay ginawa ko na.
     Minsan kasi sumasama ang loob ko dito. Nahihirapan din akong makisama. Kailangang lagi akong nakikitang nagtratrabaho. Nakakainis nga pag may palay o panahon ng palay. Andami-dami. Nakakainis pa pag umuulan. Kailangang magmadali. Nakakapagod.
     Ganun pa rin pala ang allowance ko (P20/day). Sobrang tipd talaga ako. Minsan, pag nasa mood ako, nilalakad ko na lang pauwi. Kasi pag TTh, 2:30 ang pasok ko. Kailangang mag-snack. Hindi pwedeng hindi kasi nakakagutom talaga.
     Gayunpaman, lagi akong inspired sa studies ko. Teacher’s pet ako ng isang old-maid na prof. She loves to call me to recite. Sa iba naman, nag-e-excel din ako..
     Sana nga makatulong ito sa pag-aaral ko. Ito kasi ang tanging paraan sa katuparan ng mga pangarap natin—hindi si Tito Jay. Hindi ang pagbebebnta ng lote.
     Sana maging matiisin ka at matiyaga, dahil ganoon din ang ginagawa ko dito. If it’s God’s will, makukuntento na ako sa kung ano ang meron ako..
     Ingat kayo lagi.
                                                                                                                                                                   Tsups!
                                                                                                                                                                     Bee,


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...