Followers

Saturday, September 13, 2014

Komedya sa Kampus


          Sabi ng lahat, seryosuhin daw ang pag-aaral upang matamo ang miminithing pangarap sa buhay. Ang tanong ko naman ay “Paano ko naman seseryusuhin ang pag-aaral kung ang mga kaklase ko ay mga patawa? Ha ha!”

          Opo! Patawa po sila. Nakakatawa sila. Sa sobra nga nilang nakakatawa, nagiging nakakainis na, lalo na sa pandinig ng aming guro. Nakakaasar na nga talaga minsan.

         “Kumuha ng isang buong papel!”, sabi ng aming guro.  Itatanong pa ng mga kaklase ko, “Mam/Sir, intermediate?”  “Hindi! Cartolina!” Magtatawanan..
     
       Salungguhitan ang pandiwa sa pangungusap . Iyan ang sinasaaad sa panuto, tapos itatanong pa  ng iba, “Kokopyahin po ang pangungusap?”            
    
      Susmaryosep!  Ano kaya ang ang kalalabasan kung
guguhitan mo ang hangin? Natural, kokopyahin muna, para masalungguhitan ang pandiwa.

            Minsan, sabi ng teacher namin, “Gawin ang pahina 34 ng inyong aklat.” May magtatanong ng “Saan po?” Sinasagot siya ng guro namin ng ganito: “Sa noo mo!” Minsan naman, “Sa bato.” Hindi man lang mahiya ang mga kaklase ko. Walang sintido-kumon. Nagiging tampulan tuloy sila ng tawanan. Nagkakaroon tuloy ng komedya sa kampus. At nasasanay tuloy ang mga guro namin na “vumice-ganda”
  

         Sa mga kapwa ko estudyante, sana’y maging mapanuri naman tayo. Hindi masama ang magtanong. Pero, bago magtanong, sagutin muna natin ang tanong natin, baka alam pa natin ang sagot.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...