Followers

Thursday, September 11, 2014

Redondo: Dating Karibal

Lumapit sa akin si Riz nang nagre-recess kami. Nag-thank you siya sa akin. Tapos, tinanong niya ako kung pwede niya akong makausap pagkatapos ng klase. Magkita daw kami sa isang food chain na malayo na school namin at malapit naman sa papunta sa kanila. Pumayag naman ako. Alam ko kasi na malaki ang problema niya.

Alas-dos, nasa meeting place na kami. Nagkasunod lang kaming dumating. 

"Hindi ako na! Treat kita." sabi ko. Gusto kasi niyang siya ang mag-order ng kakainin namin.

"Ako ang nagyaya sa'yo, di ba? So, ako na!" singit naman niya.

"Ako ang lalaki, di ba?"

"No! Ako na.." 

"Ganito na lang, share na lang tayo.." Pumayag naman siya, later on. Pinagtitinginan na kasi kami. He he.

Nang kumakain na kami, saka siya nag-open up. Hindi na siya masyadong nahihiyang tumitig sa akin. Di gaya noong huling mga araw. 

"Gusto ko lang magpasalamat sa'yo. Kung hindi dahil sa'yo at sa pagdating mo, baka na-rape na ako ng gagong yun. Salamat! Nagsisisi ako.." Yumuko siya. Nahiya.

"Walang anuman. Ano pa't naging magkaibigan tayo."

Tumingin siya sa akin. "Hindi ko naman talaga siya mahal. Gusto ko lang ipakita sa'yo na kaya kong..kaya kong mabuhay nang wala ka." 

"Nagulat ako sa tinuran niya. " Riz?"

"Oo, Red..Mahal kita. Sorry!"

"It's okay, Riz. Nage-gets ko ang gusto mong sabihin. Basta, huwag na huwag ka nang makikipag-usap o lalapit kay Leandro. Ayokong mapahamak ka. Kaibigan kita, kaya gusto kong lagi kang safe.."

"Oo. Lalayo na ako sa kanya. Salamat sa concern. Napakabait mo. Alam ko, magiging maligaya kayo ng girlfriend mo. Napakasuwerte niya sa'yo."

"Salamat!" Naramdaman ko ang panghihinayang niya sa akin.

"Hayaan mo, darating din ang Mr. Right mo, in the right time, in the right place."

Marami pa kaming napag-usapan na hindi related sa pag-ibig. Pinag-usapan din namin ang broadcasting. Nawala na ang inhibition niya nang lumabas kami ng kainan. Pero, bigla akong natunaw nang nakasalubong ko sa pintuan ng food chain ang kaklase ni Dindee o ang lalaking may gusto sa kanya dati. May kasama rin itong babae. Nakakapit pa naman sa braso ko si Riz. 

Nagkangitian lang kami ng dati kong karibal. Pero, kinabahan akong bigla. Yari!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...