Followers

Saturday, September 6, 2014

Red Diary: Alay-Lakad

Kahapon, nasa make-up class ako. Nagbabayad kasi kami ng klase dahil sa mga nakaraang suspension. Hindi rin naman ako nakauwi ng maaga dahil nag-assist ako at ang iba pang SSG officers sa medical mission ng isang pulitiko. 

Maggagabi na ako nakauwi. Hindi na tuloy kami nagkaroon ng time ni Dindee. Nag-Facebook lang kami together. Binalikan namin ang mga pictures namin. Tapos, pinalitan niya ang kanyang status-- from single to in-relationship.

Kanina, sinama ako ni Dindee sa Alay-Lakad nila. Ipinakilala niya ako sa mga kaklase niya. Na-meet ko na rin ng personal ang kaklaseng may crush sa kanya. Tinukso nga siya ng mga kasamahan. Naunahan ko raw.

“Ang hina kasi ng manok natin!” sabi pa ng chubby na lalaki.

Speechless tuloy siya.

“Sssh! Tigil na ‘yan. Nanahimik na siya, o. Mamaya niyan, mag-fun run yan.” biro na naman ni Dindee.

Tiningnan niya si Dindee at ako. “Ganyan talaga.. Bagay naman kayong dalawa. The better man wins.”

Nginitian ko siya. Hindi naman siya kakikitaan ng bitterness. Hindi naman siya ang tipong manununtok ng tao kapag nagseselos.

Masaya naman kasama ang mga kaklase ni Dindee. Panay ang tawanan nila. Si Dindee naman ay panay lang ang ngiti. Napaka-reserved. Hindi niya mailabas ang tawa, kasi kasama ako.

Nag-almusal kami sa Mc Do. Kami pa rin ang tampulan ng tukso. Huwag ko paiiyakin si Dindee. Si Dindee naman daw ay huwag maghanap ng mas guwapo sa akin.

Alas-nuwebe, kami na lang ni Dindee ang magkasama. Tumambay kami sa labas ng mall habang di pa ito nagbubukas.

“Bakit ako ang pinili mo?” tanong ni Dindee habang nakaupo kami sa may hagdanan ng mall.

Nagulat ako sa tanong niya. Ilang Segundo ang lumipas bago ko nasagot. “K-kasi..ikaw ang mahal ko.”

“Bakit mo ako mahal?”

“Andaming tanong..” Tumawa ako.

“Bakit mo ako mahal?”

“Itanong mo sa puso ko.”

Hinawakan niya ang dibdib ko kung saan malapit ang puso ko.Tinitigan niya ako. “I love you!”

“I love you, too!”

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...