"May tinatago ka sa akin?" Nakataas ang mga
kilay ni Mama Sam nang nagtanong siya. Nakapamaywang pa.
"Wala!" Agad kong sagot. "Teka,
anong gusto mong meryenda?"
Luminga-linga muna si Mama Sam bago sumagot. Sinabayan ko siya. Mabuti
na lang at nasa cabinet lahat ng gamit ni Lianne.
"Sige, igawa mo ako ng mango shake." Tiningnan ako niya.
"Ano? Dali! Tatanong-tanong ka.."
"Wala kasi akong mangga ngayon. Buko shake na lang.."
"Sige, pwede na yan!"
Kinakabahan pa rin ako habang hinahanda ko ang shake niya. Nakahiga siya
sa kama. Tapos, nagbukas siya ng drawer ng side table. Walang laman iyon, maliban
na lang kung nag-iwan si Lianne ng gamit niya. Naisip ko ang planner niya. Doon
niya madalas ilagay.
"Malinis ba ang banyo mo. Gusto ko sanang gumamit?"
Lalo akong kinabahan sa tanong niya. Kaya, agad akong pumunta doon. Wala
namang kakaiba. Unisex ang mga toiletries namin. Nasa likod bahay ang mga
sinampay ni Lianne.
"Okay! Pwede ka nang mag-CR." sabi ko kay Mama
Sam, pagbalik ko. Nakaupo na siya sa kama at may kinakalkal yata sa bag niya.
"Ah.. Sige. Thank you."
Nang nasa banyo na siya, agad kung binuksan ang cabinet na ginagamit ni
Lianne. Kapag, binuksan iyon ni Mama Sam, yari na!
Nakahinga ako ng maluwag nang magpaalam na siya. Tinapos lang niyang
inumin ang shake.
"Akala ko may aayusin ka sa Axis. Sabay na tayo."
"Maya na, Mama Sam. Ligpit ko muna ang kalat ko. Thanks, sa
pagdalaw."
"Okay! Kelan ka kaya makakapsok sa Xpose?"
"Pag medyo humina na ang bulwak ng nana."
"Oo, sayang ang kikitain mo. Marami nang naghahanap sa'yo
dun.."
"Ok. Kumusta na lang sa kanila."
"Sige.." Tapos, hinalikan niya ako sa labi
bago tumalikod. Mabuti, smack lang.
No comments:
Post a Comment