Followers

Thursday, September 11, 2014

Redondo: It's Over

Nag-gigitara ako nang dumating si Dindee. "Hello, Dee! Musta?" Tinigil ko muna ang pag-strum at hinarap ko siya.

"Hindi mabuti!" Magkasalubong ang kanyang mga kilay. Tapos, agad na pumasok sa kuwarto. 

Sinundan ko siya, pero di ako nakapasok dahil ni-lock niya ang pinto.

"Dee, bakit? May problema ka ba?"

Hindi siya kumibo. Nakiramdam muna ako. At nang wala akong maramdaman at marinig, nagsalita uli ako. "Sabihin mo sa akin, para pag-usapan natin." May idea na ako kung ano. "Dee, buksan mo ang pinto. Mag-usap tayo!"

"Salawahan ka! Tapos na tayo! Wala nang dapat pag-usapan!"

"Dee, hindi 'yan totoo!"

"Sinasabi mo pang nag-iimbento si..?"

"I mean, hindi totoong salawahan ako. Nakipag-usap lang sa akin si Riz."

"Usap? O date? Kayo na! Ayoko na! Magsama na kayo!'' Umiiyak na siya.

"Hindi kami. Buksan mo ang pinto. Ipapaliwanag ko sa'yo kung bakit kami nandoon.."

"No! I don't what your explanation! It's over! Hindi pa malalim ang pagmamahal mo sa akin. bata ka pa nga.. Matutulog na ako. Good night! 

Nagpumilit pa akong makipag-usap kahit di na siya nagsasalita. Pero nang mapagod ako sa kakapaliwanag ko, tumigil na ako. 

Nagtext pa ako sa kanya, ngunit di niya lang ako ni-reply-an. 

Hindi na rin siya lumabas. Lumabas lang siya nang dumating si Daddy. Bumati lang at nag-CR. Tapos, pumasok na uli sa kanyang kuwarto. Gusto ko sanang pumasok sa kuwarto niya nang nasa CR siya kaya lang baka lalong magalit.

Napansin ni Daddy ang sitwasyon namin. Inamin ko na. Ikinuwento ko ang nangyari. Then, pinayuhan niya ako ng dapat gawin para magkabati kami.

Bukas, gagawin ko ang payo ni Dad. Nag-gitara na lang uli ako. Instrumental lang. Hindi ako kumanta. Pero, pure apologetical song ang tintugtog ko. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...