Last day ng broadcasting training. Maghapon kami. Bukas na kasi ang laban.
Ready na kami. Pinayuhan lang kami ng trainers namin na iwasan ang matatamis at malalamig na tubig o pagkain.
Alas-singko na ako nakauwi. Sobrang pagod ko. Pero, masaya naman ako dahil ngumingiti na sa akin si Riz. Hindi nga lang uli nakapag-usap ng sarilinan dahil konti lang ang break time namin. Tapos, tinext niya ako nang naghiwa-hiwalay na kami. Sabi niya: "Gudluck sa atin bkas!"
"GudLuck din!" Maglagay pa ako ng smiley.
Ayos! Nanunumbalik na ang dati naming pagkakaibigan.
Pag-uwi ko naman, sinalubong ako ni Dindee ng maaliwalas na mukha. Halos gusto niyang akong yapusin sa sobrang tuwa.
"Antagal mo naman." sabi niya. Salubong niya sa akin sa gate. Parang alam na niya na darating ako.
"Miss mo ako, no?"
"Hoy, bisyoso!"
"Weeh.."
"Feelingero naman 'to." Tumalikod na siya at nauna pang pumasok sa akin papasok ng bahay. Galit-galitan kunwari.
Nang nasa loob na kami ng bahay, nagsalita ako. "I missed you, too!"
"Hala, bakit nag-I miss you ba ako sa'yo?"
"Oo!"
"Kelan?"
"Ngayon lang!" Tapos, tumawa ako.
"Hmp! Pangit mo.." Tinalikuran niya ako at pumunta sa kuwarto.
Binaba ko ang bag ko at pumasok ako sa kuwarto niya. Nilambing ko siya. "Galit na 'yan. Lalo ka tuloy gumaganda pag ganyan ka."
"Huwag kang ganyan, Red..baka sagutin na kita dyan, ngayon.."
"Sige, sige. Sagutin mo na ako.."
"Bwe.! Bisyoso ka talaga. Halika nga dito. Miss na talaga kita.."
Nagyakap kami ng isang minuto. Gusto kong maiyak sa sobrang saya. Ngayon niya lang ako trinato ng ganun. Sana, pormal na niya akong sagutin.
"
No comments:
Post a Comment