Followers

Saturday, September 13, 2014

Redondo: Kanlungan ng Sining

Pagkatapos naming mag-almusal, niyaya ako ni Dindee na pumunta kay Mommy. Tinatamad ako kaya sabi ko ay yayain na lang namin siya sa bahay. Tinext ko naman agad si Mommy. Hindi siya pwede. Ayaw din namang umalis ni Daddy, kaya ang sumatotal, kami ni Dindee ang umalis. 

Wala pa akong budget kaya sa Luneta lang kami pumunta. Dala ko ang remote control toy car ko at ang gitara ko. 

Sa Kanlungan ng Sining kami pumasok ni Dindee. Medyo private doon at kokonti ang pumapasok kaya magandang mag-stay. Masasarili namin ang isa't isa. May mangilan-ngilang pumapasok pero hindi naman nagtatagal, umaalis din naman agad.

Kinantahan ko si Dindee ng favorite song niya na  "A Thousand Years". Sinabayan niya ako kinalaunan. Dumami din ang tumitingin at nakikinig sa amin kaya itinigil ko na ang pagkanta. Pumunta kami doon, hindi para magpasikat, kundi mamasyal at mag-relax. 

"Sabi ko kasi sa'yo, mag-artista ka na, e!" sabi niya nang nagsialisan na ang mga miron.

"Ngayon pa nga lang, dinudumog na ako..paano na pag artista na ako?!"

"Kaya nga!"

"Ayoko pa rin."

"Bakit nga?''

"Kasi..baka magselos ka. Mawawalan na ako nun ng time sa'yo."

Biglang napaisip si Dindee. "Sabagay.."

"Kuntento na ako sa ganito. Ang mahalaga sa akin ay patuloy akong nakakanta para sa mahal ko." Tiningnan ko siya at nagkangitian kami.

"Ay..ang sweet ng Redondo ko.. I love you na talaga!" Sumandal siya sa balikat ko..

Maghapon kami sa Luneta. Na-enjoy namin mag-food trip sa ilalim ng mga puno. Nag-selfie-selfie din kami  at nag-picture-picture sa mga landmarks doon. 

Bago kami pumasok sa kanya-kanya naming room, nag-upload kami ng mga pictures namin kanina sa park. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...