Science period namin nang magpaalam ako kay Sir na mag-CR. Pagbalik ko, natanaw ko si Riz na patungo sa gulayan sa paaralan at medicinal garden. Hindi niya ako nakita.
Malapit na ako sa classroom nang sumagi sa isip ko kung ano ang gagawin ni Riz doon. Kaya, bumalik ako at tinungo ang pinuntahan niya.
“Bitiwan mo siya!” sigaw ko nang makikita kong hinaharass ni Leandro si Riz. Pinipilit niyang mahalikan ang kasintahan kahit nagpupumiglas si Riz.
Binitiwan naman niya si Riz, pero hinarangan niya. “Huwag kang makialam dito! Umalis ka na!”
“Bakit ako aalis? Para magawa mo ang gusto mo sa kaibigan ko? Halika na, Riz!”
Hinawakan uli ni Leandro ang kamay ni RIz. “Hindi ka aalis?!”
“Halika na, Riz! Sabi ko sa’yo, hindi ka nababagay sa manyakis na ‘yan!”
“Hayop ka! Sinong manyakis? Girlfriend ko si Riz! Wala kang pakialam!”
“Oo, girlfiend mo ako!” Nakawala si Riz. Galit na galit na siya, kahit mangiyak-ngiyak na. “Hindi ako kagaya ng iba na madaling makuha! Break na tayo!” Sinapak niya si Leandro at saka patakbong umalis.
“Riz?!” sigaw pa ni Leandro.
Hinarang ko naman si Leandro para makalayo si Riz, hanggang nagkasuntukan kami. That time, malakas ang loob kong makipambuno. Kaya, napabagsak ko si Leandro. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, isang malaking bato sana ang bumasag sa mukha niya. Sabi ko pa, “Tarantado ka! Hindi ka na nahiya sa ginawa mo. Pasalamat ka, may awa ako..”
No comments:
Post a Comment