Followers

Monday, September 1, 2014

Red Diary: Payong Kaibigan

Puspusan na naman ang training sa broadcasting. Nakatatlong set kami ng balita. Gayunpaman, nagagawa ko pa ring tingnan si Riz. Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Gusto ko kasing manumabalik ang aming pagkakaibigan kahit pareho na kaming may mahal na iba. Umiiwas lang siya. Pero nang binigyan kami ng break, bandang alas-diyes ng umaga, nilapitan ko siya at kinausap.

“Musta ka na, Riz?” Sinarapan ko ang ngiti ko para hindi siya mailang.

“Okay lang.” kaswal niyang sagot.

“Musta na kayo ng boyfriend mo? Totoo ba ang sabi ni Romeo?”

“Sabi ni Romeo?” maang niya.

“Oo!”

“Ah..yun ba?! Hindi totoo yun. Alam mo naman yun, di ba? Joke niya lang yun.”

“Ibang-iba ka na ngayon, Riz..” Pinaramdam ko sa kanya ang pagkaawa ko sa kanya.

“Hindi, ah. Ako pa rin ito.”

“I mean, hindi ka na ang dating Riz na masiyahain. Makulit at maingay.”

“Ganun talaga. Kailangang magseryoso. Kailangan mag-mature.”

“Sinsaktan ka ba ni Leandro?”

Nagulat siya sa tanong ko.

“Anong klaseng tanong ‘yan?! Bakit?”

“Wala! Naisip ko lang. Seloso ba siya? Di ba sabi ko naman sa’yo na layuan mo na siya. Hindi kayo bagay sa isa’t isa. Hindi ko sinasabi na, maging akin ka..meron na rin kasing nagpapatibok sa puso ko. Pero, ang akin lang..hindi ka nababagay kay..”

“Salamat sa concern mo. Hayaan mo, pag-iisipan ko.” Sige..pasok na ako.”

Naging mailap na siya buong maghapon. Nagtataman na lang ang mga mata namin. Hindi ko naman siya aagawin kay Leandro. Isinasalba ko lang siya sa kanya. Nakikita ko kasi na may masamang balak si Leandro sa kanya.


Payong kaibigan lang. Sana, hindi niya ako masamain.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...