Followers

Sunday, September 28, 2014

Redondo: Chaperon

Nagkaroon kami ng chance na magkuwentuhan ni Daddy nang naunang nakatulog si Dindee, kaninang hapon. 

"Red, hindi na tayo nakakapasyal ah." sabi ni Dad.

"Oo nga po, Dad. Pareho na po kasi tayong busy."

"Ikaw lang naman ang busy, e.." Medyo may bitterness ang pagkasabi niya. Pero, nakangiti siya sa akin.

"Nagtatampo si Daddy.."

"Hindi naman masyado. Konti lang." Ginaya pa niya ng tono ng sa commercial ng Mc Do. Natawa kami pareho. "Simula nang naging kayo ni Dindee..lagi ka ng busy. Hindi mo na ako niyayayang magbasketball o kaya mag-bike. Siya na ang kasama mo, eh."

Tumawa muna ako. "Sabi ko na nga ba, e. Alam mo, Dad..Gusto kitang isama, kaso baka isipin mo na.."

"Wala naman akong reklamo. Nagsasabi lang ng nararamdaman. Saka, kay lang iyon. Mamaya may magsabi sa akin na chaperon lang ninyo ako. Mapahiya pa ako. Gusto mo ba yun?"

"Siyempre, hindi po."

Naunawaan ko naman si Daddy, Mabuti nga, ni-remind niya ako. Actually, nlimutan ko na nga siyang yayaing maglaro ng basketball at mag-bike. Tama naman siya. Noong wala pa si Dindee sa buhay ko, kaming dalawa lang ang magkasama sa pasyalan. Ngayong nagka-girlfriend ako, lumayo na ng kaunti ang loob ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Nakaka-guilty.Hindi ko dapat siya bina-balewala.

Kaya, pagkakain namin ng dinner, umalis kami. Niyaya ko siya at ni Dindee na maglakad-lakad. Pumunta lang kami sa Luneta. Dalawang oras kaming umupo lang sa bench at nagtawanan. Ikinuwento kasi ni Dindee ang mga ginawa ko kagabi sa party.

Hinayaan ko na si Dindee na ikuwento niya. Ang mahalaga ay napasaya ko si Daddy.

Nagplano din kami ni Daddy ng gagawin naming mga pakulo sa Teachers' Day sa school namin, since pareho kaming may ginagampanang papel sa school. 

Alas-diyes y medya na kami nakauwi, mula sa pamamasyal. Ang saya namin..

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...