Followers

Tuesday, September 23, 2014

Redondo: Emo


Pagdating ko sa bahay, hindi ako kaagad pumasok. Nag-gitara uli ako sa may hardin. Tinugtog ko ang “Here Without You”.

Bago ko pa natapos ang kanta, lumabas na si Daddy. Nakangiti siya. “Emo ka, ah!”

Tumigil ako para tumawa. “Gising na po siya?

Tumingin muna si Daddy sa kabahayan, saka lumapit sa akin. “Gising na.” Bulong niya. “Kanina ka pa yata hinihintay. Di mapakali, e.”

Natawa ako. “Kasi pakipot, e.. Hayaan mo siya, Dad. Susuko din yan”

“Ssssh. Baka marinig ka. Suyuin mo na. Baka mapagod. Ikaw din.” Tatalikod na sana siya nang magtanong.” Teka, mag-almusal ka na kaya muna.”

“Tapos na po!”

“Okay! Pasok na ako.”

Nang pumasok ako, di ko nakita si Dindee. Nasa kuwarto siya. Kakantahan ko na sana siya nang tumawag si Mommy. Pinakiusapan ako kung pwede daw akong kumanta sa school nila sa October 3. Teachers’ Day kasi nila. Haranahin ko daw ang mga co-teachers niya, as surprise number.

Hindi na ako nag-atubili. Pumayag agad ako. 

Naalala ko din ang role ko sa school bilang SSG president. Kailangan ko palang magplano din para  sa Teachers’ day sa school namin. Kaya agad kong tinext ang vice-president ko. Humingi ako ng suggestion ng mga pakulo para mapasaya ang aming mga guro.  Sabi niya, mag-program daw kami. Maghanda ng mga powerpoint presentation. Mag-play ng videos na tribute sa teachers. Nag-agree naman ako sa lahat niyang sinabi. Tapos, nag-instruct ako sa kanya ng mga gagawin nila habang di pa ako makakapasok. Pumayag naman siya.

Naghanap ako sa YouTube ng kanta na para sa mga guro. Nakananap naman ako. Kaya, inaaral ko. Maghapon akong naggitara.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...