Natulog naman ako maghapon. Pagkaalis nina Dindee at Daddy ay bumalik ako sa kama. Alas-onse na ako bumangon para initin ang ulam ko. Tapos, alas-dos hanggang alas-kuwatro ay tulog ako.
Sarap sana ng buhay na ganito, kaya lang ay mas gusto ko ang nasa school at nag-aaral. Hindi ako sanay na di gumagana ang utak ko.
Kapag nasa school ako, gamit na gamit ang utak ko. Pag nasa bahay ako parang pumupurol. Pero, parang ngayon lang na may sugat ako. Emo lang siguro ako.
Masaya naman ako nang gumising na ako at nakita ko si Dindee. Siguro ang pagiging wala niya ang dahilan.
Kaya, kanina, naglakad-lakad kami. Marahan lang naman. Naglakad ng naglakad na walang direksiyon, habang nag-uusap.
Napag-usapan namin ang mga plano namin sa buhay. Sabi niya, gusto niyang magkaanak ng dalawa. Lalaki at babae. Biniro ko nga. Sabi ko, ayoko pang mag-asawa. Gusto at plano pa lang naman daw.
Ang medyo malungkot ako ay nang sinabi niya na dati daw ay kapatid lang ang turing niya sa akin. Dahil wala nga siyang kapatid, kaya iyon ang naramdaman niya sa akin. Na-in love lang daw talaga siya sa boses ko.
Okay lang naman. At least, kami na ngayon.
No comments:
Post a Comment