In-announce pa lang ang winners ng individual categories ng
journalism, kumakabog-kabog na ang dibdib ko. Ramdam ko na rin ang tensiyon ng
mga ka-team ko. Nakakakaba!
“The moment of truth has come!” sabi ng announcer of winners.
Tapos, tinawag na niya ang third placer. Sinunod niyang tawagin ang first place.
Hindi kami magkamayaw sa paghiyaw at pagtalon. Overwhelming
!
Champion ang team namin! Worth it ang training namin.
Tinawagan ko si Dindee pagkatapos mag-sink-in sa utak ko ang
realidad. Tuwang-tuwa siya. I-blowout ko daw siya.
“Oo ba! Blowout kita sa KFC.”
“Yehey!”
“Kikiam. Fishball at Coke!” Tumawa ako.
“Leche flan. Kuripot. Hmp!”
“Joke lang. Saan mo ba gusto?”
“Kahit saan, basta kasama ka.”
“Ayie! Sweet naman ng girlfriend ko.”
“Naman! Sige na, may klase pa ako. Ba-bye! See you later. Congrats
uli!”
“Thank you! Bye po. I love you!”
“Hmm. I love you, too!”
Ang sarap sa pakiramdam na panalo na ako sa contest, panalo
pa ako sa lovelife. Wala na akong mahihiling pa.
Binati na rin ako ni Mommy sa text. Hindi ko nga siya
naalalang i-text. Alam ko si Dindee ang nagsabi sa kanya. Kaya, tinext ko na agad
si Daddy. Pareho silang natuwa sa pagkapanalo ko. Keep it up daw at goodluck sa
regional level.
Nang nasa bahay na kaming tatlo, hindi maubos-ubos ang
kuwentuhan namin. Napaka-interesado nina Dindee at Daddy sa kuwento ko tungkol
sa awarding. Napakasuwerte ko daw ngayong taon. Mr. Campus Personality at SSG
President na, champion pa sa broadcasting.
“Panalo pa sa puso ni Dindee!” dagdag ko pa tapos sabay kindat
sa gf ko. Kinilig tuloy si Daddy at si Dindee.
“Yan ang anak ko, buo ang loob.” Turan ni Daddy, na ikinatawa
naming tatlo.
No comments:
Post a Comment