Hindi agad umuwi si Mommy. Inasikaso niya muna ako. Pinainom ng gamot. Inayos niya rin ang kuwarto namin.
Si Daddy naman ang nagluto. Si Dindee, nakaalalay lang kay Mommy. Panay ang kuwentuhan nila. Pinag-uusapan nila ang Mommy ni Dindee.
Ginitarahan ko na lang sila. Hindi kasi ako makasali sa girls talk nila, gayundin si Daddy.
Si Daddy naman, nagkumpuni na lang ng sirang upuan.
Alas-sais na nang magpaalam si Mommy na uuwi. Panay ang bilin niya. Huwag ko daw kalimutang inumin ang antibiotic ko. Kailangan daw tapusin ko. Iwas daw muna ako sa pagbuhat at sa pagkilos.
Pagkaa-alis niya, tahimik na naman ang bahay. Napagod na rin naman ako sa pagtugtog ng gitara kaya pumasok na ako sa kuwarto ko. Nasa kuwarto na rin niya si Dindee. Si Daddy nagsimula ng maghanda ng dinner.
Tinext ko si Dindee, dahil niloadan nga ako ni Mommy. Sabi ko: "Bati na tyo, pleeeease!"
Question mark lang ang reply niya.
I replied: "Pg d k nkpgbati, ppsok aq s kwrto mo."
Narinig kong kumalabog ang pinto ng kuwarto niya. Ibig sabihin, nag-lock siya ng pinto. Wise! Ayaw talagang makipagbati.
"Sorry na po, Dee." Nag-text uli ako.
"KAPAL NG MUKHA! Dumalaw pa."
Bitter talaga siya kay Riz. Wala akong magawa. Hindi ako pwedeng makipagkulitan sa kanya ng pisikal. Hindi na rin ako nag-text pa. Nag-send na lang ako ng love quote.
"Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own... Jealousy is a disease, love is a healthy condition. The immature mind often mistakes one for the other, or assumes that the greater the love, the greater the jealousy. ----Robert A. Heinlein"
No comments:
Post a Comment