Followers

Monday, September 1, 2014

Katatagan sa Pagsubok


Sinubok ka ng panahon
Hinampas ng malakas na alon
Hinataw ng latigo ng kahirapan
Lumabo ang iyong kaisipan.

Ngunit, ikaw ay di natinag
Isipan ay laging maliwanag
Kasawian, ginagawang positibo
Malayang-loob, buong-buo.

Ganyan ka, sa buhay, lumalaban
Hindi pagagapi, walang kahinaan
Isip ay ginagamit ng  tama at wasto
Kalayaan ng loob, isinasapuso.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...