Followers

Thursday, September 4, 2014

Red Diary: God Gave Me You

Excited akong umuwi ng bahay pagkatapos ng klase. Medyo natagalan lang ako ng kaunti kasi may estudyante na nag-approach sa akin. Gusto daw niyang magpa-tutor sa akin sa Math. Pinagbigyan ko naman agad. Sa library ko siya tinuruan. One hour lang naman.

Masaya ako dahil nakakatulong ako sa kapwa ko. Naisasagawa ko na rin ang isa sa mga plataporma ko bilang presidente ng SSG. 

Alas-dos na ako nakarating sa bahay. Siyempre, wala pa rin si Dindee. Gusto ko kasing mauna ako sa kanya. May sorpresa ako sa kanya.

Naggitara ako habang hinihintay siya. 

Alas-singko, dumating na si Dindee. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay tinugtugan ko na siya at kinantahan. "God Gave Me You" ang kanta ko. Nag-blush siya. Speechless din. 

"I love you, Dindee!" sabi ko, pagkatapos kong kumanta. Lumuhod pa ako. "Mahal mo ba ako?"

"Matagal na kitang mahal, Red.." Halos, maluha-luha niyang sabi.

"Tayo na ba?" Tumayo na ako at hinawakan ko ang kanyang mga kamay. Nilagay ko ang kanang palad niya sa dibdib ko, na malapit sa puso ko. "Pakiramdaman mo ang tibok ng puso ko.. Ikaw ang tinitibok niyan."

"Oo, alam ko. Kahit ang puso ko, ikaw din ang isinisigaw. Mahal din kita.."

"Tayo na...?"

Hindi ko na naituloy ang itatanong ko dahil idinampi na niya ang mga labi niya sa mga labi ko. Limang segundo yatang nakalapat ang mga iyon. Pero sa pakiramdam ko ay umikot ang mundo at humaba ang oras. Para akong lumutang sa hangin, kasama siya. Ang sarap sa pakiramdam.

Nagyakap kami. "Salamat, Dindee! Salamat, dahil tayo na.!"

"God gave me you..sana wag mo akong bibiguin, Red.''

"Oo, Dee. Hinding-hindi."

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...