Followers

Saturday, September 13, 2014

Redondo: Almusal

Kagabi, sankatirbang kurot at hampas sa braso ang tinamo ko mula kay Dindee. Pinag-explain din niya ako kung bakit magkasama kami ni Riz kahapon. Naniwala naman siya.

Tawa ng tawa si Daddy. Nag-sorry din siya at nag-peace sign. Natuwa lang si Dindee sa suporta niya sa akin. Mag-ama nga daw talaga kami.

Kaninang umaga, pinaghanda namin siya ni Daddy ng masarap na almusal. Nag-pancake kami, Nag-java rice. Nag-fry ng bacon at itlog. 

"Wow! Nakakainlove naman talaga kayong dalawa. Ang suwerte ng mapapangasawa ninyo." si Dindee. Kagigising lang niya. Naka-apron pa kami at nakahawak ng tsanse at sandok.

Ngumiti lang si Daddy. 

"Oo naman! Maliban sa gwapo kami, masarap pa kaming magmahal..magluto pa." Hirit ko naman. Nagtawanan kami.

"Oo! Sa sobrang gwapo mo at sa sobrang sarap mong magmahal, magluto pala.. andami mong chikas! Hmp!" Lumapit na siya sa lababo at nagmumog. 

"Yari tayo dyan, Red!" sabi ni Daddy habang nagtatanggal ng apron.

"Si Daddy, nanggagatong pa.."

"Totoo naman, di ba? Di ba nga may Riz ka pa?" 

Kumunot ang noo ko. "Hindi po ah. Kaibigan ko lang yun. Di ba, Dindee?!"

Tumigil siya sa pagto-toothbrush at humarap sa amin. "Malay ko! Who knows?"

Tawa ng tawa si Daddy. "Sige na, mag-almusal na tayo. Tama na yan!"

"Pag ako..nakipagkaibigan sa iba, babaero na agad. Bakit pag ikaw Dad, nung na-link ka kay Mam Dina.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Pinatigil na ako ni Daddy. Hindi naman siya galit. 

"Kasi magkaiba tayo.. Basta, kain na lang tayo. Dindee, tara na. Huwag kang magtatampo kay Red. Mahal na mahal ka niyan."

"Sus, si Tito.. Bigla yatang naihipan ng hangin." 

Natawa kaming tatlo.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...