Followers

Saturday, September 20, 2014

Redondo: Luneta

Dahil natulog na naman ako kagabi na hindi pa rin binabati ni Dindee, umalis ako kaninang umaga ng alas-sais. Tulog pa si Daddy, gayundin ang girlfriend kong nagtatampo. Bitbit ko ang gitara ko at ang journal, may ballpen ako siyempre. Dala ko rin ang cellphone ko. Pumunta ako sa Luneta.

Wala pang masyadong tao doon. Ang sarap maggitara at kumanta ng malakas.

Habang sarap na sarap ako sa pagtugtog, padami ng padami naman ang mga namamasyal. Linggo kasi. Hininaan ko na rin ang boses ko para di makagawa ng atensyon. Pumunta ako doon, hindi para magpapansin sa madla, kundi magpalipas ng sama ng loob. 

Alas-siyete, nag-text si Daddy. Nagtatanong kung nasaan ako.

"Dad, d2 aq s Luneta. K lng nmn po aq. Wg nu sbhin ky Dindee. Ngttampo p rn kc. Gs2 q lng po hnapn at mmiz nia aq. :)" Reply ko.

"Ah Ok. Ingatz n lng. EnjoY!"

Tumugtog uli ako. May mga bata na kasing nanunuod sa akin. May mga lovers din na umupo malapit sa kinauupuan ko. Gusto yata ng libreng concert.

So, bilang performer, tinugtugan ko ang lahat ng mga nanunuod sa akin. Mga usong kanta ngayon ang kinanta ko gaya ng 'Treasure', 'All of Me' at iba pa. Aliw na aliw sila. Palakpakan ang mga bata, pati mga matanda. More pa daw. 

Alas-otso na. Mainit na ang sikat ng araw. Nagugutom na rin ako. "Sorry po, kailangan ko ng umuwi. Net time na lang po." Nalungkot sila. Pero, walang nagawa. Binuntunan pa nga ko ng ibang bata hanggang sa makatawid ako. 

Nag-almusal muna ako sa pambatang food chain malapit doon bago ako umuwi. Alas 9:30 ako nakarating sa bahay.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...