Nagulat ako. Anong sweet ang sinasabi niya, sabi ko sa isip ko. Pero, na-gets ko kaagad. In-upload na siguro ni Sir ang pics namin kanina sa Max's. Tinag pa ako.
"Huwag ka namang magselos. Picture lang yun."
"Sino ang nagsabing nagseselos ako? Saka, may karapatan ba akong magselos? Tayo ba?"
Wala akong nasabi. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Nagbihis ako ng uniform ko. Siya naman ay naghanda ng pala ng meryenda. Pinagtimpla niya ako ng mango juice. Andaming ice cubes. Tapos, nag-slice siya ng Graham cake.
Kaso, masungit naman niya akong niyaya. Sabi niya: "Magmeryenda ka na. Pwede ka ng uminom ng malamig at kumain ng sweets."
"Salamat! Sabayan mo ako.."
"No, thanks! Wala akong gana."
Pangiti-ngiti akong kumain. Tinext ko siya kasi ayaw niyang ngumiti o lumapit sa akin. "Uuy, mHal n niA aq!"
Hindi siya nag-reply, pero nagsalita nang hindi humarap sa akin."Nik nik mo! Playboy! Akala mo kung sinong gwapo! Hmp! Sana talo kayo sa broadcasting.. Sweet-sweetan!"
Natuwa ako sa pagseselos niya. Ang cute. Kaya, dahan-dahan akong tumayo. Walang tunog. Nakalapit ako sa kanya nang walang ingay.
Sinapo ko ang mga pisngi niya at bahagyang inangat ang mukha para magtagpo ang aming mga mata. "I love you, Dee!" Hinalikan ko siya. Sinampal niya ako pero di malakas. Hinalikan ko uli. This time, mas matindi.
Pagkatapos ng sampung segundo. Naghiwalay ang mga labi namin.
"Mag-sorry ka sa akin, Red!" Namula si Dindee.
"For what?"
"For..for kissing me!"
"Baka for kissing you, less." Tumawa ako na parang traydor. Kinurot-kurot niya ako.
Nag-usap na kami bago kami natulog. Pero, nahirapan akong mag-sorry. Tindi!
No comments:
Post a Comment