Followers

Monday, September 8, 2014

Vandalism: Isang Pagpapasikat


Psst! Nagsulat ka na naman sa pader! Hindi mo ba alam na vandalism ‘yan!? Ikinaganda ba iyan ng paaralan o ng kapaligiran? Tingnan mo, pinapangit mo lang.

Ang vandalism ay isang paninira ng pampubliko o pampribadong pag-aari, dahil sinisira mo ang kagandahan nito. Ito ay may kaukulang parusa.

Bakit hindi ka magsulat sa papel o kuwaderno mo? O kaya ay sa mukha mo. Saka mo ipangalandakan ang pangalan mo o ang oraganisasyon ninyo. Kung may nais kang ipabatid sa iba, huwag mong idaan sa bandalismo. Kung nais mong magpasikat, mag-artista ka. Sa vandalism, hindi ka sisikat diyan.

Kung artist ka naman at ang hilig ay magpinta, gamitin mo sa tama. Huwag sa pader ng iba. O kaya’y magpaalam ka. Baka sakali, bayaran ka pa.

Sabi sa patalastas, “Kung ikaw kaya ang sulatan ko sa mukha, gusto mo ba?”


Sa susunod, mag-vandal ka uli. Gawain kasi iyan ng taong nagpapasikat.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...