Sa September pa ang announcement ng winner kaya nakakainis.
Kailangan pa nilang bitinin ang resulta. Nakakakaba tuloy lalo.
Pagkatapos ng laban, trineat kami ng mga trainers namin sa
Max’s Restaurant. Sarap ng lunch namin. Ang saya! Panalo na yata kami kaya
nag-blowout na ang mga trainers.
Nag-piktyuran din kami doon. Kinuhaan din kami ni Riz ng
litrato, na kami lang. Tapos, narinig ko ang mga ‘uuy’. Nakuha pa nilang
mang-asar. Kinilig tuloy si Riz.
After lunch, hiwa-hiwalay na. Nagsabay na kami ni Riz.
Antagal naming nakasakay ng dyip. Punuan. Para yatang tinulot ng Diyos na
magtagal kami sa pag-abang dahil nag-confide sa akin si Riz.
“Ayoko na kay Leandro. Tama ka, hindi nga kami bagay..” Nagulat
ako sa tinuran niya.
Tiningnan ko siya. “Kaya mo ba siyang hiwalayan?”
“Hindi. Ayaw niya. Ilang ulit ko na siyang hinihiwalayan.”
“Bakit ayaw niya?”
“Mahal na mahal daw niya ako..”
“Ramdam mo ba?”
“Hindi. Bastos siya..”
“What do you mean?”
“Gusto niya akong makuha..” Riz is teary- eyed already. Tapos,
nagpara na siya ng dyip. Hindi na kami nakapag-usap. Sumingit lang kasi siya,
kaya nagkahiwalay kami ng upuan.
Alam ko, gusto niyang matulungan ko siya. Pero, di ko kayang
isakripisyong muli ang pag-ibig ko kay Dindee. Ayokong malaman niya na
nanghihimasok ako relasyon nina Riz at Leandro.
No comments:
Post a Comment