Followers

Friday, September 5, 2014

Red Diary: Alapaap

Wala akong interes sa klase ko kanina. Ang laman kasi ng isip ko ay si Dindee. Sobrang gusto ko ng makita siya. Kaya lang, ayokong masira ang focus ko sa lessons. Pansamantala ko munang inalis siya sa isip. 

Nang nakauwi ako, wala pa siya. Tinext ko siya. Sabi ko gustong-gusto ko na siyang makita. Gayundin daw siya. 

Pagdating niya, wala akong inaksayang sandali. Nakipag-usap ako sa kanya.

"Para akong nasa alapaap kagabi pa, Dindee." sabi ko, habang nasa labas ako ng kuwarto at siya ay nagpapalit ng damit-pambahay.

Hindi agad siya sumagot. Dalawang minuto ang lumipas, lumabas na siya. "Masayang-masaya rin ako. Hindi ko na kayang hintayin ang araw na itinakda ko. Gusto ko sanang hintayin na magbalikan ang mga magulang mo bago kita sagutin.."

Hinila ko siya ng marahan patungong sofa. Umupo kami doon. Inakbayan ko siya. 

"Salamat, Dee! Hayaan mo, sisikapin kong magkabalikan sila kahit tayo na. Para din naman iyon sa akin. Salamat sa pagmamalasakit." 

"Mahal kita kaya ko gustong mabuo ang pamilya mo.."


Kinabig ko siya palapit sa akin at hinagkan ko ang kanyang pisngi. "Mahal na mahal na mahal kita." Hinagkan ko siya sa pisngi.. sa labi. 

Ang sarap palang magmahal. Hindi ko maipaliwanag. Sana'y wala na itong wakas. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...