Nakarating ako at ang dalawa kong collaborative publishing trainees sa JRES mga pasado alas-otso. Nasa ABES naman ang broadcasting ko. Dala ni Aila ang laptop ko kaya na-boring ako. Wala rin akong nagamit para sa pag-research ng topic ni Jens. Nainis tuloy ako kasi maghapon siyang nagsulat--from 8 to 2.
Parang napagod ako kahit wala namang masyadong ginawa. Wala ako sa mood lalo na't kulang na naman ko sa tulog.
Pagdating sa school, tinanggal ko muna sa stage ang mga decoration bago ko kinuha ang mga pupils ko na prinorate. Tapos, nagturo ako sa kanila ng Math.
Pagkatapos ng klase, dumalaw kami kay Mam Baes sa Sanitarium. Nanganak na siya. Tapos, nagmeryenda kami sa Yan kee ng pansit lang at tofu.
Uuwi na sana kami ni Sir Erwin nang mapag-tripan na naman naming pumunta kina Mam Diana. Lilibot lang sana kami. Gusto ko rin kasing maghanap ng pa-loadan dahil akala ko si Ate Ningning ang nagpapa-load sa akin, kahapon pa ng P300. Naiinis nga ako dahil sa akin pa siya humihingi.
Na-loadan ko na. Kaya lang, humihingi uli ng limang P500 worth na prepaid cards. Litse! Nainis ako lalo! Nagdahilan ako kung anu-ano hangga't magduda ako. Kaya, tinext ko si Aileen kung ano ang number ni Ate Ning. Yun! Na-scam ako. Buwisit! Matagal na akong nagre-reply doon. Niloloko lang pala ako. Nag-isip tuloy si Ate Ning na baka may problema sa amin.
Thankful pa rin ako dahil nalaman ko agad ang totoo. Kung nagkataon, makuhaan pa ako ng P2500. Nagkasala pa tuloy ako dahil kung anu-ano na ang iniisip ko tungkol sa paghingi ni Ate Ning.
Lesson learned!
Nakauwi ako pasado alas-nuwebe y medya.
Setyembre 2, 2014
Maaga ulit akong pumasok sa school. Mainit ang ulo ko nang sunduin ko ang mga trainees ng broadcasting at collaborative dahil nag-inarte na naman sila at natakot sa adviser. Tahimik kaming naglakad patungong ABES. Bitbit ko pa naman ang printer ko para sa printing ng script.
Gayunapaman, naibsan ang pakainis ko nang magsimula na ang training. Palipat-lipat ako. Nasa taas ang broadcasting kaya medyo nahirapan ako. Pero, okay lang. Nakapagbigay din ako ng tulong sa bawat team.
Medyo hindi lang masaya dahil pukpukan na ang pagsasanay.
Natapos ng one o'clock ang collaborative. Hindi ko muna pinauwi sina Jens at Nicole. Nag-enjoy muna sila sa panunuod ng broadcasting. Past three na kami natapos. Sobrang pagod ko. Mabuti na lang naunawaan ako ng mga co-teachers ko. Hindi ko na kinuha mula sa kanila ang mga pupils ko. Nagpahinga na lang ako sa room ko habang nagpiprint ng essays na ipapabasa ko kina Camila at Crisela bukas para makasulat din sila ng ganung topic.
Nagbonding na naman kami kina Mam Diane pagkatapos ng klase. Nawiwili na kami ni Sir Erwin sa kanila ni Roselyn. Ang saya na naman kanina. Tawanan at kulitan kami to the max. Kung hindi nga lang kami bibiyahe pauwi..magdamag kaming magkukuwentuhan. Nakakawala kasi ng stress.
Alas-nuwebe y medya uli ako nakauwi.
Setyembre 3, 2014
Maaga akong pumasok para ihanda ang mga broadcasters pati ang printer na gagamitin nila. Matagal nasundo sina Mare kaya nakapagkuwentuhan pa kami.
Malaman ko sa kanya ang mga nangyari tungkol sa pagsilip ng mga kaguro namin sa pagiging walang teaching load ni Madam. Nagkaroon ng isyu. Mabuti na lang naging busy ako, kundi nakasali din ako.
Sana may natutunan ang lahat sa mga nangyari. May mga kasalanan ang bawat isa. Hindi dapat magsisihan.
Pasado alas-otso dumating ang mga collaborative trainers at trainees. Sinama ko na rin sa time ko ang pagpapasulat kina Camila at Ella.
Naging tensiyonado ako pati ang mga co-trainers ko both in broadcasting at collaborative dahil muntik ng di makapag-braodcast ang teams namin dahil nakauniform sila. Hindi dapat. Nasa guidelines. Hindi namin napansin.
Lahat kami ay umaasang mananalo kami kahit ganun ang nangyari.
Nakausap ko si Mareng Janelyn kaninang alas-onse. Nag-open din siya ng sama ng loob dahil nadawit siya sa isyu. Pinakinggan ko lang siya. Kinausap ko rin si Sir Erwin na ayaw pa rin sanang magtapat sa akin. Nakausap ko rin si Mam Ana pagkatapos ng training namin.
Hindi naman ako nakikisawsaw sa isyu. Gusto ko lang makatulong sa bawat isa. Maganda pa rin ang may pagkakaisa at masaya. Kasalanan ito ng admin dahil hindi siya organisado. Hindi open. Sinosolo ang mga dapat isinisiwalat kaya nag-iisip kami ng kung anu-ano. Hindi niya kasi pinauunawa sa amin.
Dumaan lang kami kina Mam Diana. Di na kami nagkape o kumain. nagtawanan lang ng kaunti tapos umalis na kami ni Sir. Ayaw din kasi ni Mam D dahil marami siyang tatapusin.
Setyembre 4, 2014
Maaga na naman akong pumasok. Gusto ko kasi sanang i-train ang lahat ng young journalists, maliban sa photojournalists. Kaso, naisip ko, hindi ko na iyon sakop. Papagurin ko langa ng sarili ko. Kaya, naglinis na lang ako sa classroom ko. Konti lang. Inayos ko kasi ang seating arrangement, ang mga bulletin boards at ang bago kong swivel chair. Ipinuwesto ko.
Tapos, pinatawag ako sa office para magsabi kay Mam Evelyn na kailangan ng journalists ng pagkain bukas sa kanilang laban. Ayos naman. Binigyan naman ako ni Mam Rose ng P500 para sa pangkain ng trainees ko. Blessing..
Tapos, tinawag ako ni Mam Vi sa Reading Room. Alam daw niya na matalino ako kaya ako ang kinausap niya sa lahat ng mga bago. Nag-confide siya tungkol sa mga nangyari. Naniniwala ako sa mga sinasabi niya. Wala din siyang intensiyon na masamain ang isang tao, gaya ni Sir Erwin. Maling interpretasyon lang kaya ganun ang nangyari.
Naputol lang ang usapan dahil dumating naman si Ate Cris at Mam Loida.
Thankful ako dahil marami ang nagko-confide sa akin. Meaning, confident sila na mapagkakatiwalaan nila ako. I hope, mapanindigan ko. Gusto ko naman kasing mabuti ang samahan namin sa school.
Nagturo ako ng Math sa tatlong section. Pero, after recess, nag-focus na ako kina Camila at Crisela. Nahihirapan kasi sila sa lathalain at feature. Pinatawa ko rin sila para relax lang ang utak nila.
After class, pumunta uli kami n Sir Erwin sa ‘hideout’. Kuwentuhan about the issue lang at kulitan. Tawanan. Nagkape lang kami. Past seven, umalis na kami.
Sobrang saya ng araw ko ngayon.
Setyembre 5, 2006
Alas-sais pa lang ay nasa school na ako. Nag-FB at nagsulat lang ako ng sanaysay sa room ko, saka ako bumaba. Nasa baba na ang mga journalists na sasama sa EDSES para sa 35th DWYCC. Alas-siyete kami bumiyahe papunta doon.
Sa host school, hinintay naming trainers na makapasok lahat ng mga contestants, saka kami nagkuwentuhan. Napagkuwentuhan uli namin ang issue. Ang saya! Tawa kami ng tawa nina Pareng Joel, Mam Vi, Mam Loida, Mam Joan at Mareng Janelyn.
Ala-una, after ng lahat ng individual writers, na kainin ang packed lunch na bigay ng school, umalis na sila. Nagpaiwan ako dahil hindi pa tapos ang collaborative publishing.
Nagkuwentuhan naman kami ng kapwa ko trainers. Nandun din si Mam Normina.
Alas-tres, tapos na ang laban. Na-disappoint ko s aLathalain ni Jens. Hindi kasi napaganda ng layout artist at sa photojourn. Mahaba sana ang sanaysay niya kaso walang picture ng guro. Sana naisip nilang mag-picture ng isang judge doon na kunwari ay guro. O kaya ay nag-picture sila ng libro..
Ang hirap pala ng collaborative. Walang mapagkunan ng larawan. Bawal kasi ang internet. Bawal lumabas.
Isang disappointment ang output nila sa Filipino. Mabuti-buti sa English.
Umuwi kaming malungkot, lalo na ako. Gayunpaman, hindi ako nagsalita ng masama kay Jens. hindi naman niya kasalanan. Ginawa niya ng tama ang lathalain niya. Nag-&-Eleven kami. Bumili kami ng meryenda. Salamat kay Mam Rose dahil may panlibre ako, na bigay niya sa akin kahapon.
Sana may award si Nicole as photojournalist para kahit paano ay makabawi ako.

Setyembre 6, 2014
Alas-sais y medya nasa school na ako. Nakapag-almusal pa
ako. Akala ko ay walang papsok na estudyante ko, may onse pang pumasok. Ang
sisipag. Gusto ko sanang mag-gardening.
Nagturo ako ng Math. Nagpa-quiz, pagkatapos. Tapos,
nagpasulat ng talata tungkol sa guro. Then, nagpa-activity uli sa Math.
Pina-write in words ko ang mga long numbers.
Habang ginagawa nila ang mga activities nila, nagbasa naman
ako ng mga libro. Binaikan ko din ang mga journals ko. At nang makita ko ang
mga tula na ginawang kanta ni Epr, pinost ko ang mga ito sa Wattpad, blog at sa
Life of Pores ko.
Nagtext si Jano, bandang ala-una. May buyer na daw ng lupa
namin sa Polot. Sa halagang P300K daw bibilhin. Nang malaman ko, si Liza
Millario pala ang bibili. Mayaman na iyon, ah. Gasino na lang ang halaga nun sa
kanya. Samantalang, P500K ang presyo ko niyon kay Divina Robelas. E, di sana,
ibinigay na lang sa presyong ganun kay
Daba.
Sabi ko: (1) Mura. Kaya kong i-loan ‘yang halaga nay an.
Bilis lang maubos nyan. (2) Nung sabi ni
Mama? Kanya un eh. Kung anu dsisyon
niya, dun ako. Akin lang, bka pgssihan ntin bndang huli. (3) Dagdagan nu.
Gasino lng yan s knya. Half million n nga ang presyo ko ky divina.. Tapos bgla
300 nila mbbili.. E, di ky divina n lng ialok. (4)Hayaan mo na sila. Hwag nu
ipkita o ipaalam n gipit tyo, kc lalo tyo ggipitin. Dpat mlaman nila na mhlga
un s atin, d lng ntin maasikaso. Mdali lng maubos ang 300k, snsbi ko s inyo.
Kulang p yn pmpgawa ng bhay. (5) Pg ispn nu. Mksanla p un ky p.benson. Pgttwanan
tyo pgnbili nla s murang hlga. Gasino lng ky liza ung pera n yn. Tpos sya pa
ang kuripot.
Padadagdagan na lang daw nila.
I’m sure, naliwanagan si jano. Pabigla-bigla na naman sila.
Gusto lang nilang bumli ng lupa sa Boso-Boso. Sila lang din ang makikinabang.
Paano si Mama? Isipin nila ang future. Pwede naming ibenta. Huwag lang sa
ganung halaga.
Hindi agad ako umuwi pagkatpos ng klase. Nag-Wattpad pa ako
habang nagpa-practice ng sayaw sa room ko ang mga dating kong pupils.
Pasado, alas-tres, naki-Bingo naman ako sa covered court.
May pa-Bingo si congresswoman. Hmm..
Di naman ako nanalo. Alas-5:30 na natapos.
Nang nag-withdraw ako ng COLA ko na P1200, saka ko nalaman
na nagpadala na si Aileen. Di naman nagtext. Pero, nagtext si Eking. Ni-remind
pa ako ng P5000 niya.
Nag-grocery muna ako sa Shopwise. Na-miss ko tuloy si
Zillion.
Pag-uwi ko, ibinigay ko kay Eking ang P500o na para sa luho
niya. Binigay ko na rin ang P5,375 para sa balance ng tuition niya. Gusto ko na
sanang ibigay lahat ang tira. Siya na magbayad sa rent at bills. Kaso, naisip
ko, hihiramin ko pala ang pera niya para sa pambayad ko sa RCBC.
Nang maglalaba na ako Nainis ako nang makita ko ang
basang-basang damit niya sa lagayan ng mga labahan. Hindi man lang hinanger.
Nakakabuwisit!
Kaya nang tumawag si Aileen at nang nagtanong siya, sinabi
ko. Tinext ko din siya. Nagpasaring ako na ibabalik ko na sa kanila ang
pangangalaga. Kinausap ako ni Kuya Jape. Payag naman siya. Naiinis din sa
pamangkin niya.
Pagkatapos, tinext ko si Aileen. Nagdesisiyon na ako.
Hanggang Oktubre na lang talaga kami magsasama. Pinasabi ko na kay Ate Ning.
Setyembre 7, 2014
Napuyat ako sa paggising ni Eking
ng madaling araw. Alam ko kung bakit siya umalis. Mag-a-alay-lakad siya. Kung
pumirma ako kahapon sa memo, baka nagkasabay pa kaming umalis ng bahay. Kaso,
di na ako sumama para makapaglaba ako.
Nagising ako bandang
alas-siyete-kuwarenta y singko. Pagka-alamusal ko, nagbanlaw ako ng mga
binabad. Pagkatapos, naglinis ako sa kuwarto. Iniba ko naman ang ayos. Gumanda
at umaliwalas na naman ito.
Ang hina ng signal ng internet,
kaya konti lang ang nagawa ko sa Wattpad at blog. Sayang ang oras. Madami pa
sanang akong ipo-post. Gayunpaman, naging produktibo ang araw ko ngayon. Di
gaya ng kasama ko. Tumambay lang.
Naka-chat at nakatext ko naman
ang dati kong kaklase at kaibigan na si Carla Geoca. Hinahanap din niya si
Marjs at iba naming kaklase. Pareho naming inisip na nagtatago si Marjs dahil
hindi namin makita kahit sa friendlist ng friends niya, na friends ko naman sa
FB. Bahala siya kung ayaw niyang magpakita.
Setyembre 8, 2014
Hindi ako pumasok ng maaga, hindi
dahil naglaba ako, kundi dahil wala naman akong pagkakaabalahan sa school.
Tapos na ang trainings ko sa journalism at broadcasting. Ready na rin naman ang
lesson plans ko. Nag-internet lang ako.
Malas lang dahil walang signal
ang Tattoo ko.
Tinatamad akong magturo, pero
kailangan. Para kasing nawalan ako ng eagerness at inspirasyon mula nang one
month akong nasa training. Kailangan ko itong maibalik. Kailangang kong maging
enthusiastic uli sa pagtuturo. Apektado kasi ang mga pupils.
Although, nagturo ako maghapon,
iba pa rin ang pakiramdam kapag gusto ko ang ginagawa ko. Kanina, parang hindi
ko feel ang ginagawa ko. Mabuti na lang at well-understood naman ang lessons
ko.
Pagkatapos ng klase, pumunta kami
ni Sir Erwin kay Mam Diana. Absent siya kanina. Tinext lang kami na pumunta.
May ipapasagot kasi siya sa akin. Ginawa ko kaagad pagdating namin at habang
nagkakape. Pinag-dinner niya rin kami.
Gaya ng dati, nagtawanan at
nagkuwentuhan uli kami. Sobrang nakakawala talaga ng stress.
Natuwa naman ako dahl di ako
tinext ni Eking kung nasaan ako. Marahil ay alam na niya na kailangan na niyang
magbukas ng de-lata para may maiulam siya. He’s learning..
Alas-nuwebe y medya na ako
nakarating sa boarding house. Pagod pero, masaya ako.
Setyembre 9, 2014
Nagturo ako ng Math sa advisory class ko at ng Filipino sa
Section 1. Wala sanang palitan dahil may ensayo ng Enerjam, pero mas pinili
kong magturo. Kaya lang, pagkatapos ng recess, natigil na ang palitan Natuloy
na kasi ang practice.
Bago iyon, dumating si Mareng Lorie. Panalo daw ang Filipino
West District Team ng broadcasting, first place. Sobrang saya ko. Akala ko ay
hindi kami makakapasok. Ayon kasi sa kuwento niya pagkatapos ng laban ay mas
maganda daw ang English at hindi na-control ang volume. Iyon pala, Filipino pa ang magwawagi.
Walang mapagsidlan ng ligaya ang puso ko. Worth it!
After ng klase, kumain kaming 3some, kasama si Mam Jing sa
Jellwin’s--- isang vegetarian restaurant
sa dinadaanan namin. Ang ganda ng ambience o setting ng restautrant kaya
na-enjoy namin ang pagkain at ang lugar. Nag-picturan kami.
Nakauwi ako alas-siyete y medya.
Nakakainis dahil walang signal ang broadband ko. Hindi na
naman ako magkapag-post at makapag-update sa Wattpad.
Setyembre 10, 2014
Maaga akong nagising para maaga akong makarating sa school.
Awarding kasi ngayon ng 35th DYWCC. Kaya, alas-7 ay nasa GES na ako.
Pababa na rin ang mga journalists at ibang trainers.
Maaga rin kaming nakarating sa EDSES. Matagla kaming
naghintay. Naging bitter tuloy ako sa administrator namin. Nag-flashback kasi
sa akin ang pagiging unsupportive niya sa Buwan ng Wika at journalism.
Ang resulta, isa lang ang nanalo sa individual category. Umalis
siya pagkatapos niyon. Hindi tuloy niya naabutan ang panalo ng West District
Team o ng mga bata ko na sina Aila at Nicole.
Champion kasi kami sa Radio Broadcasting-Filipino at Collaborative Publishing-English.
Sobrang ligaya ko. Hindi ko akalaing mananalo kami. At
least, mararanasan ko na uli ang regional level. Napatunayan din na ang
Filipino broadcasters ng West ang tunay na champion. Sana tapos na ang issue,
between us and East.
Naging kalmado ako pagdating namin sa school. Hindi ko
nilagay sa ulo ang panalo ko. Gusto ko kasing lagi akong humble.
After class, nag-bonding uli ang 3some. This time, sumama na
si Mamah. Ang saya-saya naming. Sayang lang kasi, umuwi agad siya. Gayunpaman,
tinuloy naming ang tawanan at kulitan. Napatunayan naming nagiging
kontrobersiyal ang samahan naming tatlo sa mga kasamahan at mga estudyante namin.
Natutuwa ang mga bata naming. Ewan ko kung gayundin ang mga kasama namin.
Dumating na si Epr. Naabutan ko siya pagdating ko. Ayos!
Setyembre 11, 2014
Hindi ako pumasok ng maaga. Pero, alas-nuwebe ay nasa school
na ako. Napakuwentuhan tuloy ako kay Mam Vi at kay Mam Diana sa library. Pinakikiusapan
ako ni Mam Vi na ipursige ang journalism at maging pang-umaga o maging Grade 6
teacher next school year para ma-focus-an ko ang journalism at mga batang
journalist.
Naglabas ako ng mga sama ng loob sa administrator. Naunawaan
niya ako gaya kung paano ko siya naunawaan. Bilib siya sa kakayahan ko, pero
nadi-disapppoint ako sa kakakulangan ng suporta ng principal pagdating sa
academics. Kung alin pa ang academics, siya pa ang kulang sa budget at support niya.
Wala na naming formal na klase dahil sa investiture bukas at
sa kung anu-ano pa. Kaya, nagturo ako nga dula-dulaaan sa Section 1. Naging interesado
naman ang halos lahat. Gusto nilang halos ay makasali.
Nagpahanda din kami ng kanta at sayaw. Nagplano kasi kami na
mag-program sa Teachers’ Day at magbigay ng tribute kay Mama L s akanyang
nalalapit na retirement.
Uwian na, pero nasa school pa kami ni Sir Erwin. Nagpatulong
ang mga scouters na babae sa pagkabit ng dekorasyon sa stage. Mabilis lang
natapos.
Doon, naihayag ko ang hinaing ko. Sabi ko, “Bakit noong
Buwan ng Wika, walang ganito?” Walang nagsalita. Lahat sila ay nakatingala lang
sa akin. Sapul kasi sila.
Noong program ko, kami-kami lang. Pero, nitong program nila,
todo support lahat. Bakit? Porket may pera?
Sapul sila!! Hahaha.
Pumunta kami ni Sir Erwin sa hideout. Nagiging kontrobersyal
na kasi ang friendship naming tatlo o naming 3some. Kaya, kailangan naming
mag-update ng photos.
Nagkape kami. Nagkuwentuhan. Nagkulitan. Nagtawanan.
Enjoy!
Setyembre 12, 2014
Alas-singko ay gising na ako at
bago mag-alas-siyete ay nasa school na ako. Sa canteen na ako
nag-almusal.
Investiture ng scouts ngayon.
Tutulong ako as photographer. Ibinigay sa akin ni Mam Dang ang camera niya.
Maya-maya, iniabot naman sa akin ang camera ng school.
Nakakapagod ang gawain ko. Pero,
enjoy naman ako. I really love capturing moments. I also like
photography.
Nahirapan lang ako sa camera ni
Mam Dang. Long press kasi.
Dalawang events ang nangyari.
Umaga ang pagtatalaga. Sa hapon, naganap ang Iskwatsayahan. Pareho silang
magulong program. Mas napagod nga lang ako nung hapon na. Siguro dahil antok na
antok na ako at init na init na.
Gayunpaman, nagawa ko ng maayos
ang gawain ko.
Nakauwi ako bandang pasado
alas-singko. Sobra ang pagod at antok ko kaya natulog ako. Bumangon ako ng
bandang alas-otso. Sarap sa pakiramdam.
Setyembre 13, 2014
Hindi ako umuwi sa Antipolo. Una, wala pa akong pera. Inaasahan ni Mama ang pera na ipapantubos sa akin ni Ate Ning sa sinanlang bahay at lupa. Sa katapusan pa daw niya matutubos. Iyon ay kapag nabigyan din siya ng may utang sa kanya.
Pangalawa, andami kong labahan. Hindi nga rin ako makapagpahinga ng husto.
Gayunpaman, nakapag-update ako ng Wattpad at blog ko. Marami-rami din naman akong naisulat at naipost.
Nakatulog din ako ng konting oras.
Sulit naman ang weekend. Medyo, namiss ko lang si Zillion. Nagtataka ako kung bakit hindi na nagtetext si Emily. Madalas siyang magtext nitong huling mga araw. Pinatatawag niya pa nga si Ion. Naisip kong wala siyang load o pang-load. Nagtitipid naman ako. Ayokong tawagan dahil anlaki na ng bill ko sa Smart. Alam ko, okay naman sila sa Aklan.
Setyembre 14, 2014
Nagising akong masakit ang likod. Kagabi ko pa ito naramdaman. Mas lumala lang paggising ko. Kaya nga, hindi ako nakatulog ng husto kagabi.
Alas-nuwebe na yata ako bumangon para magkape. Nahiga ako habang nagkakape at nagpi-Facebook. Hindi naman ako nakapag-update agad sa Wattpad. Hindi rin ako nakapaglaba.
Gabi na nang sinimulan kong magsulat at mag-update ng stories. Medyo, nabawasan kasi ang sakit ng likod ko.
Walang pasok bukas dahil sa habagat at Bagyong Luis. Signal No. 1 pa lang naman yata sa Manila pero, dineklara na ni Mayor Calixto. Ayos! Makakapagpahinga uli ako.
Setyembre 15, 2014
Dahil walang pasok, alas-nuwebe na ako bumangon.
Pumasok naman si Eking pero napanuod ko sa TV na suspended din pala ang klase ng mga kolehiyo sa Manila. Sayang lang ang binigay kong P100. Hindi na niya sinauli nang umuwi siya bandang ala-una.
Wala pa naman akong pera na. Hindi ko nga nabayaran ng buo ang bill kos a RCBC. May kulang akong P1300 plus. Grrr! Mag-i-interest na naman ako. Nakakainis din kasi ang mga inaasahan kong pera. Si Ate Ning, di pa tinutubos ang lupa at bahay niya. Ang COLA naman, di pa binibigay ng Pasay City Hall. Ang PBB, di pa dumarating. Haay! Kelan kaya ako giginhawa?!
Naging inspire naman akong magsulat ngayong araw. Kundi nga lang ako natagalan sa pagpila sa BPI at BDO, mas marami akong naisulat. Letseng credit card kasi yan! He he.
Napapakinabangan ko naman at ng iba. Naantala lang ako sa pagbayad, kaya nababanas ako. Una kasi, pumila ako sa BPI. Nakalagay kasi sa bill na pwedeng magbayad sa BPI. Antagal kong nakapila, pero nang ako na, sasabihan lang pala ako ng "Wala kaming RCBC". Okay! Umalis agad ako. Tapos, pagkakain ng tanghalian, sa BDO naman ako pumunta. Ang tagal kong nasa pila. Isang oras yata akong nakatayo. Paano, kokonti ang teller. Tapos, andaming check na dineposito ng mga nauna. Nung ako na, wala pang limang minuto, tapos na ako. Unfair..
Nakasulat ako ngayong gabi ng sanaysay tungkol sa utak. Ang galing ng pagkakasulat ko. May nag-share nga kaagad. Estudyante ko dati.
Setyembre 16, 2014
Hindi ako pumasok ng maaga. Pero, maaga pa rin akong nakarating sa school. Nakapag-print pa ako ng lesson plan ko. Tapos, nakapagbasa-basa pa ako ng lessons ko sa Filipino at Math.
Nagturo ako maghapon, maliban ng Filipino sa Section 1 dahil maingay sila. Hindi pa nga ako pumapasok ay maingay na. Kaya hindi na ako pumasok para magturo.
Hindi masaya ng araw ko dahil hindi kumpleto ang 3some. Wala si GL. Hindi tuloy kami nakapunta sa hideout. Di bale, bukas ay overnight ako doon para gawin o tapusin ang Tambuli.
Pag-uwi ko, Wattpad kaagad ang inatupag ko. Maya-maya, may nag-follow sa akin. Si PrettyLittle Sister. Chinat niya ako. Akala siguro ay teenager pa ako. Ilang sandali pa, nagpatulong siya sa paggawa ng book cover ng story niyang "The Cassanova and Me". Ginawan ko naman siya agad.
Setyembre 17, 2014
Setyembre 17, 2014
Nagsummative ako sa Filipino. Nag-reteach din ako ng lesson sa Math. Walang formal na klase kaya wala sa schedule ang palitan namin. Ang ginawa ko ay nagprepare ng Excel ng mga grades na ipapasa sa office.
Nakipag-bonding din ako sa 3some friends ko dahil si Mam Diana ay nalulungkot sa pag-alis ng aming GL. Pinag-usapan din namin ang subjects na aming paghahatian. Tatlong English at dalawang Filipino sa akin. Tatlong Math at dalawang English sa kanya, dahil kay Mam Rose na ang 5 Science.
Hilong-talilong kami dahil sa come and go ng mga master teachers. Ang hirap mag-adjust.
After class, dinalaw naming 3some at ni Mam Jing si Mam Elsa sa Sanitarium. Na-confine siya dahil sa sakit sa colon. Naawa ako sa ninang ko..
Alas-siyete, umalis na kami. Dumiretso naman kami sa hideout para mag-dinner at gumawa ng grades sa Excel. Habang nagkukuwentuhan ay gingawa namin ni Mam D ang action.
Akala ko nga ay mag-o-overnight ako para sa Tambuli naman. may mga dala na nga akong bihisan. Di bale, may time pa naman para sa school paper.
Alas-nuwebe, umawi na kami ni Sir. Medyo tapos ko na ang grades. Ready na i-print.

Setyembre 18, 2014
Hindi ako nagturo sa advisory class ko dahil ginawa ko ang class records ko sa Excel. Pero, nagturo ako ng Filipino sa Section Earth. Halos, maghapon akong nasa computer ng litseng submission na 'yan! Medyo na-stress ako.
Mbuti na lang nagbigay ng despidida party sina Mam Loida at Mam Vi para kay Sir Erwin. Akala namin ay birthday blowout lang. Hindi tuloy ako nakapaghanda ng tula. Di bale, naging masaya naman kaming lahat ng panghapon.
Nag-piktyuran kami sa library, kung saan namin ginanap ang kainan at munting salu-salo.
Then, pumunta kami ni Sir Erwin sa hideout dahil nakita naming may problema si Mam Diane. Dinamayan namin. Pinatawa. Kinulit. Inasar.
Ang saya talaga! Parang ayaw ko ng umuwi.
Kaya lang nang nasa dyip na ako, bigla akong nalungkot. nagtext kasi si Jano. May sakit daw si Zildjian. Di ako nag-reply. Naiinis ako ng kaunti dahil naaalala lang ako ng ina ng mga anak ko kapag may sakit na ang mga bata. Nakikilala lang nila ang mga Elizaga kapag kailangan ng pera. Bakit kapag Sabado o Linggo ay di man lang nila ipasyal kay Mama? Bahala na muna sila! Kung may pera ako at may time ako sa Sunday, saka ako pupunta sa kanila.
"Lord, God, bahala Ka na Po sa aking anak.."
Bukas, sisikapin ko ulit maging masaya..
Setyembre 19, 2014
Dahil sa habagat at Bagyong Mario, suspended ang klase ngayong araw. kagabi pa umulan, bumaha. Pero, dahil alas-otso na ako nagising at sira ang TV, hindi ako nakapanood ng balita. Naitext ko ap si mareng Lorie kung nakapasok silang pang-umaga. Nainis yata sa akin kaya di nag-reply. Mabuti pa si Mam Diane, nag-reply.
Nalungkot akong walang pasok. Mas gusto kong nasa school.
Gayunpaman, pinasaya ko na lang ang sarili ko sa internet. Salamat sa Facebook, Wattpad at blog. Salamat din at di apektado ng bagyo ang signal.
Wala ng text tungkol kay Zildjian. Dininig ng Diyos ang panalangin ko. Gumaling na ang anak ko.
Nag-explore ako sa blog kong POROY. Nag-apply uli ako sa Adsense. Gusto ko kasing kumita ng pera sa pagba-blog. Sayang naman. Sana ma-approve na ako.
Sumali din ako sa Essays.Ph. Kaya lang medyo mahirap. Metikuloso ang mga editor. Ang reader kasi ng essay ay mga Amerikano (US) at English (UK). Sana makayanan ko. At sana kumita na ako sa pagsusulat ko.
Setyembre 20, 2014
Kagabi, alas-onse y medya, dumating si Epr. Hinintay ko siya
kaya alas-dose na ako nakatulog. Kanina, nagisng akong ng pasado alas-otso.
Gusto ko sanang pumunta sa school, since wala ng ulan. Kaso,
nasa Pangasinan si Mam Diane. Tutulungan sana namin si Sir Erwin sa pagiligpit
niya ng kanyang gamit.
Tinamad din akong gumala. Yayayain ko sana si Epr namasyal
sa Luneta. Gusto ko kasing mag-picture doon ng mga isasali ko sa Mobile
Photography. Ang ginawa ko, nanuod na lang ako ng short films sa Youtube,
hanggang sa antukin ako.
Nag-update din ako ng mga Wattpad stories ko ngayong araw.
Marami na ang nakakabasa ng ‘Makata Quotes’ ko sa Wattpad,
na pinipost ko din sa FB. Humahabol na ito sa iba kong story. Unti-unti ko na
ring ipinakikilala si Mister E, gamit ang mga ‘Unsolicited Advises’ ko sa
Wattpad.

Setyembre 21, 2014
Alas-nuwebe y medya na kami bumangon. Ang sarap kasing
mahiga. Kung malamig pa nga lang sana, baka hanggang alas-diyes pa ako.
Pagkatapos, nag-Wattpad ako. Sinulit ko ang load kong P50
kagabi. Kaya lang, nawawala-wala ang signal. Konti lang ang na-update kong
stories. Thankful din ako dahil nakatulog ako sa kahihintay ng signal.
Maagang na-expired ang load ko. Hindi na ako nagpa-load uli.
Plano ko kasing bumili ng wifi pocket. Sana may sahod na bukas.
Wala na talagang pakinabang ang LED TV ko. Wala ng picture.
Kagabi lang ay naayos ko pa. Ang
one-third ng screen ay may puting linya. Kaninang tanghali, naging dalawa.
Tapos, ngayong gabi, wala na talaga. Audio na lang. Para na tuloy itong radio.
Kakainis! Ang ganda pa naman ng KMJS.
Wala na ngang internet, wala pang TV.
Nagbasa na lang ako habang nagraradyo…
Setyembre 22, 2014
Gusto ko sanang um-absent sa klase dahil sa sakit ng likod
ko. Kaya lang naisip ko ang mga estudyante ko at ang 3some. Baka may happenings
na naman kami.
Pumasok pa rin ako. Alas-nuwebe na nga lang ako umalis sa
bahay.
Nagturo ako maghapon. Inspired uli ako. Ang Section 1 ay
nasermunan ko during Math, pero napatawa ko at nakuwentuhan ng time na ng
Filipino.
Pagkatapos ng klase, ang Grade 5 teachers, kasama si Mam
Roselyn at Mam Jing ay kumain sa ChicBoy. Binigyan kasi kami ng P1000 ni Mam
Leah. Birthday ng anak niya. Hindi na kami naimbitahan kaya nagbigay na lang
siya.
Dapat magbi-videoke kaming 3some, pero kain na lang.
Pagkatapos naming nag-dinner, pumunta na ako sa Smart
Center-Robinson’s Manila. Kumuha ako g WiFi pocket na P999 plan. Ginamit ko ang
credit card ko. Kaso, bukas pa maa-activate.
Nalungkot ako but tinanggap ko na lang. Makakapaghintay pa
naman. Nagtiyaga na lang ako sa mobile internet, na mahal.
Setyembre 23, 2014
Nang paalis na ako, bandang alas-nuwebe, saka ko lamang nalaman na may service na ang Smart Bro pocket Wifi ko. Sobrang saya ko nang pumasok ako. Ginamit ko kaagad ito. Naka-online ako habang nasa biyahe,
Pagdating sa school, nakapag-post na ako ng mga di ko na-post sa dalawang gabi na walang akong net.
Hinid talaga ako pwedeng mawalan ng internet. Ang katulad kong mahilig magsulat at magbasa ay natutulungan ng internet.
Nagturo ako sa advisory class ko lamang. Gumawa kasi kami ng report cards. Habang ginagawa ko iyon, pinag-memorize ko naman ang mga pupils ko ng multiplication table (by 6 to 9). Nagulat ako sa galing nilang magkabisa. Mahuhusay naman pala sila. Tamad at maingay lang. Kahit nga ang inaakala kong di makakapag-memorize ay nauna pang mag-recite. Ayos! At least, di na ako masisisi pagdating nila sa Grade 6.
Habang gingawa ko ang cards, dumating ang ina ni Evan. Galit. Hinid ko raw binigyan ng pagkain ang anak niya kaya nagutuman. Nagtaasan ang mga boses namin. Hindi ako nagpasindak. Ako ang nasa katwiran. Hindi nagsabi ng totoo ang anak niya. Alam iyon ng mga kaklase niya. Hindi nila ako pwedeng sisihin kung bakit nagutuman siya.
Nag-sorry siya. nag-sorry din ako sa pagtaas ng dugo ko. Nalaman na niya na hindi kasalanan ng bawat guro, kahit ng canteen kapag nagutuman ang anak nila. Kasalanan ng magulang.
Umuwi na agad ako. Wala kasing lakad ngayon ang 3some. Naiwan si Sir Erwin sa school dahil tinapos niya pa ang cards niya. Okay lang dahil marami akong back log sa Wattpad. Nagawa ko tuloy.
Setyembre 24, 2014
Alas-nuwebe ay nagpadala ako ng pera kay Emily. One thousand five hundred uli. Then, nagbayad ako ng RCBC bill. Akala ko ay mali-late ako sa pagpasok. mabuti, mabilis lang akong na-entertain sa BDo, kung saan ako nagbayad.
Kaya lang, alas-diyes na ako nakapag-almusal. Hotdog bun pa, na binili ko sa 7Eleven.
Pagdating ko pa lang trabaho na agad ang bumungad sa akin. Humingi ang office sa akin ng listahan ng mga pupils na sumali sa contests. Tapos, gumawa ako ng listahan ng kasali sa MMYWCC para maipa-register.
Sumunod na ang pagpapractice ng mga pupils na magpe-perform bukas asa awarding program ng Science Quest. Mabuti nga, di na ako natuloy sa pagpunta sa EDSES para magbayad ng registration fee. Pagdating nga lang ng hapon, di naman narehistro dahil kulang ang pera. Instead na P350 each, P380 pala. Nagbago pala, wala man lang abiso sa akin.
Maghapon akong nasa klase ko. Nagpractice ako doon sa mga bata ng sayaw at kanta.
pagkatapos ng klase, pumunta kaming 3some at Mam Jing sa Sanitarium para dalawin si Mam Lucas. naabutan namin ang Grade 4 teachers, kahit kumain pa kami ng taho sa canteen ng hospital at nagselfie.
Then, sa hideout naman kami dumiretso. Nalulungkot si Mamu pero napasaya namin siya ni Sir. Dami kong tawa. Sarap pa ng kain namin ko dahil sa tuyo at kamatis at de-latang karne. Minsan lang ako mabusog ng ganun. Sana lagi akong kasalo sa masasaya at masasarap kumain na tao.
Past nine na ako nakauwi. Solve naman at masaya kahit masakit ang ulo at antok na.
Setyembre 26, 2014
Hindi ako pumasok ng maaga pero nakadaan pa ako kay Mam Joan V na magde-demo. Nagkuwentuhan kami ng ilang minuto bago ko siya ginudlak (good luck).
Binisita ko rin si Sir Rey na magde-demo rin ngayong araw. Ready na siya.
Nagpagawa muna ako sa mga pupils ko habang naghihintay ng pagsisimula ng demo. nag-pictorial kami base sa lesson sa Character Ed na "tunay na kaibigan'. Nag-print kasi ako ng arrow na may caption na 'Tunay na Kaibigan". Tapos, pinagpartner ko ang mga bata. Pinili nila ang kaibigan nila. Pito ang may tunay na kaibigan at napiktyuran. Tuwnag-tuwa sila sa activity ko.
Na-late ang dating ng mga observer. Pasado alas-dos na nakapag-simula. Nagkasabay pa ang dalawang demo, kaya kailangan kong maglagare. Mabuti, natapos kaagad ang demo ni Mam Joan. Nagandahan kasi ang bisita sa kanyang ginawa.
Natagalan naman ang kay Sir Rey. Alas-kuwatro y medya na natapos.
Nag-issue na ako ng cards sa mga pupils ko. sa kanila ko na lang ipinadala. Hindi ko na pinapunta ang mga magulang nila.
Nakauwi ako ng maaga (6 PM) ngayon dahil walang bonding ang 3some.
Thankful si Mam Joan V sa akin at sa iba pa naming co-teachers. Pero, ako ang unang taong binanggit niya sa kanyang FB post. Hindi ko lang alam kung bakit nakasama sa pinasalamatan niya ang mga taong nag-underestimate sa kanya. (Hay buhay nga naman.)
Ayos, natuwa ako ay Eking kasi
naglaba siya ng mga uniporme niya at ibang puting damit. Nakaramdam rin sa wakas.
Setyembre 30, 2014
Alas-sais ay may nagtext sa akin. I-save ko daw ang number niya. Si Jano daw siya. Kapatid ko siya pero kinabahan ako kasi akala ko ay scammer. Nadala ako sa ganun. Hindi ako naniwala kaya nag-PM ako sa Facebook niya. Tanghali na niya nasagot. Siya naman pala talaga.
Natakot kasi ako dun sa nangyari kamakailan lang. Nahingian ako ng P300 na load.
Wala ulit palitan ng klase kasi umalis si Sir Erwin. Busy din si Mamah. Wala pa si Sir Rey. Kaya, nagturo ako ng nagturo sa klase ko.
Wala rin kaming bonding. Umuwi agad ako sa boarding house. Nauna pa nga ako sa alaga ko.

Setyembre 27, 2014
Alas-otso, umalis ako sa Paco. Bumiyahe ako papuntang Antipolo para dalawin si Mama. Alas-dose na yata ako nakarating sa Bautista dahil nag-grocery pa ako.
Nagulat si Mama sa pagdating ko. Pero mas nagulat ako nang magtext si Jano ma may buyer na ang sasakyan. Pinapunta niya ako sa kanila kasi magluluto daw si Ginggang. Birthday niya pa sa Sept. 29.
Alas-tres, pagkaidlip ko, pumunta na ako kina Jano. Wala pa siya. Wala pa rin si Ginggang. Kaya, nakipagkuwentuhan muna ako kay Gie. Hindi ko lang naitanong ang tungkol sa pagbenta ni Jano ng sasakyan. Natuwa din ako kahit paano dahil naibenta na niya. Sana sa mataas n halaga. Iyong di naman kami lugi.
Pasado, alas-sais na dumating si Ginggang. Sinundo ko siya sa kanto ng Boso-Boso. Nag-prepare naman siya agad ng dumplings pagkarating niya.
Maya-maya pa, dumating na rin si Jano. Tila nahulaan ko na hindi niya muna ako babayaran. Saka na daw. Nanghihiram pa naman si Flor ng pambili din ng lote. Okay lang sa akin. Ang mahalaga, matulungan nila si Mama.
Pagkakain, nag-inuman kami. Beer lang ang ininom ko gaya nina Gie at Ginggang. Sina Jano, Taiwan, Romeo at isa pa ay Empe.
Sobrang lasing ko. Nagsuka ako bago ako nakatulog. Ako pa ng ang unang plumakda.
Setyembre 28, 2014
Nasusuka pa ako nang magising ako
kanina. Mabuti di ko naisuka ang inalmusal ko.
Alas-nuwebe, umalis na ako kina
Jano. Wala siyang binigay na pera sa akin bilang kabayaran ng pinang-down niya
sa L300. Pero, sinabihan ko siya na kailangan ko ng pang-reservation sa house
and lot sa Cavite na titingnan ko maya-maya.
Dumaan muna ako kay Mama par
kunin ang gamit ko. Andun si Flor at ang kanyang mag-ama. Binawi ko ang tablet
ko at ibinalik ko sa kanya ang P1000 na ibinayad niya at ipinagawa sa unit.
Alas-diyes, umalis na ako sa
Bautista. Alas-dose pasado ay nasa BBuendia na ako, para hintayin sana
sina Sir Erwin, Pareng Joel at mareng Janelyn. May tripping kami sa Tanza,
Cavite. Nagtext si Pareng Joel na 1:30 na lang daw. Kaya, pumunta muna ako kay
Mare. Doon na kami nagkita-kita.
Pasado ala-una y medya ay bumiyahe
na kami. Sakay kami ng L300.
Sa biyahe, nagpahula ako sa isang
kasamahan namin na may tarot cards. Hindi niya nasagot ang tanong ko. Pero,
nahulaan niya na mabait ako at masipag. Nahulaan din niya ang mga ibang
accounts ng buhay ko, kaya nga tuwang-tuwang ang tatlo. Sabi pa ng cards ay may
babaeng mayaman daw na nagkakagusto sa akin.
Nalungkot ako hula dahil parang walang
kasagutan ang tanong ko, although, hindi ako naniniwala sa baraha, I still believe
in God.
Mas nalungkot ako nang makita ko
na ang mga units. Gusto ko kasing kumuha kaso, mahirap pala ang pangbayad sa
equity. Di ko kaya, lalo na’t hindi naman ako binayaran ni Jano.
Parang gusto ko na lang tuloy
bumili ng lupa sa Boso-Boso, gaya ng plano ni Jano. Iyon din ang payo niya sa
akin. Mura na, mas magagawa ko pa ang style ng bahay na gusto ko.
Nakauwi ako ng bahay ng bandang
alas-sais. Wala na si Epr.
Setyembre 29, 2014
Pumasok ako nga maaga sa pag-aakala kong ihahatid na si Sir Erwin sa PVES. Hindi pa pala. Sa Wednesday pa. Kaya, nakagawa pa ako ng tarpapel ng tula na may pictures na ginawa ko kagabi para sa kanya. Hindi pa ako nakuntento sa upload. Gumawa pa ako ng banner.
Natuwa naman siya at nagandahan sa gawa ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya.
Nag-lunch kami together. Pero, nalulungkot kami ni Mamu. Parang mabigat ang araw namin ngayong papalapit na ang paglipat niya. Hindi namin gusto ang mga posibleng bagong set-up. Parang di namin feel si Mayora.
Walang palitan kasi umalis si Sir Erwin at Mam Rodel. Absent pa si Sir Rey. kaya, nagturo ako sa klase ko ng Math, Filipino at CBA. Nakapaglinis din ako sa table ko. Nakuha ko na rin ang cabinet na bigay ni Sir Erwin at nalinis ko na rin.
Setyembre 30, 2014
Alas-sais ay may nagtext sa akin. I-save ko daw ang number niya. Si Jano daw siya. Kapatid ko siya pero kinabahan ako kasi akala ko ay scammer. Nadala ako sa ganun. Hindi ako naniwala kaya nag-PM ako sa Facebook niya. Tanghali na niya nasagot. Siya naman pala talaga.
Natakot kasi ako dun sa nangyari kamakailan lang. Nahingian ako ng P300 na load.
Wala ulit palitan ng klase kasi umalis si Sir Erwin. Busy din si Mamah. Wala pa si Sir Rey. Kaya, nagturo ako ng nagturo sa klase ko.
Wala rin kaming bonding. Umuwi agad ako sa boarding house. Nauna pa nga ako sa alaga ko.
No comments:
Post a Comment