Followers

Tuesday, September 23, 2014

Redondo: Tampo

Kahit hindi ako papasok, bumangon pa rin ako ng maaga. Gusto ko kasing makipagbati na kay Dindee.

“Good morning, Dee!” bati ko sa kanya. Nagkakape na siya. Nauna kasi siyang nagising.

“Morning!” matabang niyang sagot. At, agad siyang tumayo para pumasok na sa banyo. Hindi pa niya nauubos ang kape niya.

Galit pa rin siya. Hindi niya pa ako kayang kausapin.

Naggitara na lang ako habang naliligo siya at habang nagluluto si Daddy ng almusal. Nilakasaan ko ang kanta ko para marinig ni Dindee habang nasa banyo.

Akala ko makakasabay ko siya sa pag-almusal pero, hindi na siya kumain. Nagmamadali daw siya. Sabi niya kay Daddy.

Umalis din siya kaagad pagkabihis.  Kay Daddy lang nagpaalam.  Nagtinginan na lang kami ni Daddy at nagkatawanan.

I tried to text Dindee pero di niya ako ni-reply-an. Tumatawag din ako pero, di niya sinasagot. Bigo ako. Nakakalungkot pero hindi ako susuko. Mag-iisip ako ng paraan para kausapin niya ako.

Maghapon akong naggitara. Idlip lang ang pahinga ko. Ayoko kasing malungkot sa mga nangyayari sa amin ni Dindee. Kaya lang, nagtext si Mommy, bandang alas-sais ng gabi. Doon daw sa kanya matutulog si Dindee. Bukas na lang daw ng hapon uuwi. Naloko na! Sobra magtampo ang girlfriend ko.

Nagpatulong ako kay Mommy na magkabati kami. Susubukan daw niya.

Nag-Good Night  ako sa kanya bago matulog. Tinext ko rin si Mommy na i-kiss niya sa Dindee para sa akin.

“Loko k!’’ reply sa akin ni Mommy. Baka lalo lang daw magalit sa akin.

Haay! Ang hirap palang umibig. Akala ko puro tamis lang..may pait din pala. Pero, enjoy naman. 


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...