Followers

Friday, September 5, 2014

Red Diary: Father and Son Bonding

Kahapon, naabutan kami ni Daddy na sweet na sweet sa kuwarto ni Dindee. Wala naman kaming ginagawang masama. Nakikinig lang kami ng music sa cellphone ni niya. Pinag-isahan namin ang earphone, kaya hindi naman masyado naramdaman ang pagdating ni Daddy.

Hindi naman nagalit si Daddy. Pero, kaninang umaga, bago kami bumangon, kinausap niya ako.

“Kayo na ba ni Dindee?” tanong agad niya.

Sinagot ko naman agad ng totoo. Hindi nagalit o nagsalita ng against kay Dindee.

“Ang sweet niyo kahapon..” Napangiti ako. “Anak, alam mo naman ang limitasyon, di ba?”

“Opo, Dad.”

“Very good! Alam ko naman na mas mahalaga sa’yo ang makatapos ng pag-aaral kesa ang makapag-asawa ng maaga.”

“Oo naman po! Hindi ko po kayo bibigyan ng sakit ng ulo. Saka, ang hirap pumasok sa ganyan, Dad!”

Natawa si Dad. “Bakit naranasan mo na?”

“Hindi pa po! Napapanuod ko lang sa TV.”

“Tama ka naman.”

“Pero, Dad..okay lang ba na si Dindee ang naging girl friend ko at hindi si Riz?”

Tuwang-tuwa si Daddy sa tanong ko. Hindi agad nakapagsalita. “Ewan ko sa’yo! Ikaw ang namili, e.”

“Hindi nga po.. Baka lang may suggestion kayo o comment sa choice ko.”

“Huwag kang mag-alala sa akin. Hindi naman ako pihikang biyenan. Kahit maganda, basta mabait!”

Ako naman ang tumawa sa sinabi niya. Ano yun?

Bumangon na kami pagkatapos akong wrestling-in ni Daddy. Sakit ng likod ko. Binuhat ba naman ako at inihagis sa kama. Brutal. Pero, ayos lang.. Father and son bonding.



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...